Sino nga ba si Adam “Adammir” Chong ng EVOS SG?

Kung tatanungin kung sino ang pinakasikat na Singaporean Mobile Legends: Bang Bang star, marahil marami ang sumagot ng Stefan “Soul” Chong o Lim “ly4ly4ly4” Yang.

Pero may isang player na unti-unti sumisikat at nakikilala sa Singaporean MLBB scene, walang iba kundi ang gold laner ng EVOS SG na si Adammir.

Paano nadiskubre ni Adammir ang Mobile Legends: Bang Bang

MLBB MPLI 2021 EVOS SG
Credit: ONE Esports

Mabilis na nahumaling si Adammir sa Mobile Legends: Bang Bang nang malaro nya ito sa kanyang phone.

“I discovered Mobile Legends when I was still in school. Back then it was just a past time, but I was really playing a lot,” sabi nya.

Nagbunga ang dedikasyon nya sa game at napansin ito ng iba pang promising players. Kaya napagdesisyunan nya at ng mga bago nyang kaibigan na magbuo ng isang pro team.

“It not a very specific dream of mine to become a pro player for Mobile Legends, but I always had an interest in esports,” pahayag ni Adammir.

Pagkatapos nun ay nagpalipat-lipat sya sa iba’t ibang teams, hanggang sa makuha sya ng isa sa mga pinakamalakas na MLBB organization ng Singapore, ang EVOS SG.

“Definitely no hesitations [joining EVOS SG] on my end,” sabi pa nya.

MLBB MPL SG S2 EVOS SG Adammir
Credit: EVOS SG

Nag-click sila ng team at naipagtanggol nila ang titulo ng organization sa MPL SG Season 2 laban sa mga beteranong RSG SG. Ito rin ang unang pagkakataon ni Adammir na manalo sa isang major tournament sa kanyang MLBB career, at natanggap rin nya ang grand final MVP award.

EVOS SG Adammir tungkol sa pagrepresenta sa Singapore sa M3 World Championship

MLBB MPL SG S2 EVOS SG
Credit: Moonton

Dahil sa kanilang pagkakapanalo sa MPL SG Season 2, nakapasok ang EVOS SG sa M3 World Championship. Hindi madali ang laban na ito para sa Singaporean squad ngunit tiwala si Adammir na magiging maayos ang kanilang performance.

“I’m not feeling as much pressure as some people would think,” sabi nya. “The chances of us having a good finish in the playoffs is definitely higher than the previous M2.”

Nang tanungin kung meron syang mensahe para sa ibang teams na lalaban, maiksi ang naging sagot nya.

“May the best team win,” sabi ni Adammir.

Para sa iba pang balitang esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.