Nagumpisa ang taon sa pagdating ng kauna-unahang Collector skin ng 2024 sa Mobile Legends: Bang Bang, ang Adlaw’s Chosen Lapu-Lapu skin.
Ito ang ika-anim na skin ng hero, sumunod lamang sa Ancestral Blade, Imperal Champion, Vulcan, Special Force, at Son of the Wild.
Ang kakaiba sa skin na ‘to ay ang kaniyang futuristic armor na nakapalibot kay Lapu-Lapu.
- I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends
- Sabi ni KarlTzy, gamitin mo ang 3 heroes na ‘to para makapag-Mythical Glory
Adlaw’s Chosen Lapu-Lapu Collector skin character model at skill effects preview

Sa Adlaw’s Chosen skin na ‘to, may suot si Lapu-Lapu na isang solid suit na solid silver armor na may gold accents sa gilid. Tila may futuristic aura ito, lalo na kung naaarawan.
Dagdag sa kaniyang high-tech na itsura ay isang jetpack sa kaniyang likod, na lumalabas sa tuwing ginagamit niya ang kaniyang mobility skills.
May suot siyang korona na may simbolo na tulad ng araw, para magmukha siyang maharlika.
Ngunit ang tunay na bida ng Adlaw’s Chosen Lapu-Lapu skin ay ang double swords.

Umuubod ito ng isang fusion ng pula at gintong enerhiya na bagay na bagay sa kaniyang lakas.
Nag-iiwan ng gintong bakas ang mga skills at basic attacks ni Lapu-Lapu.
Ang highlight ay ang kaniyang Bravest Fighter ultimate – na magpapakita ng isang colossal sword kasama niya, para mapamangha ang parehas na kalaban at kakampi.
Available na ang skin na ‘to sa Collector skin tab simula pa noong Enero 10.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.
BASAHIN: War Axe at Brute Force Breastplate: Ang iyong susi sa MLBB ranked games