Napatunayan ng Alter Ego X na may lugar pa sa kasalukuyang meta si Benedetta kahit matagal nang hindi nagagamit ang hero sa Mobile Legends: Bang Bang Development League o Mobile Legends: Bang Bang Professional League.
Sinakyan ng Alter Ego X ang mga malilit na buff na nakuha ng Assassin hero noong mga nakaraang patch para ipagamit ito sa kanilang star gold laner na si Raizel.

Hindi napigilan ng Rebellion Sinai ang pagpapakitang-gilas ni Raizel gamit ang hero. Dahil sa tiwala ng Alter Ego X sa kanilang manlalaro at sa hero, sapat na ito para masabing nagbabalik na nga sa meta si Benedetta.
Rebellion Sinai, lumuhod sa Alter Ego X
Maganda ang naging performance ng Rebellion Sinai sa playoffs ng MDL Season 5. Nadaig nila ang dalawang malalakas na koponan, ang RRQ Sena at Pabz Esports, bago harapin ang Alter Ego X.
Kaso nga lang, hindi sila naging handa sa ipinakita nina Rasy, Ahmad, Munsters, Raizel, at Kidz.

Kahit pa maganda ang ipinakita nila sa mga nakalipas na laban, bigo silang mabasa ang strategy na inihanda ng Alter Ego X, kabilang na ang pagpapatunay nilang gumagana pa sa meta si Benedetta.
Balik meta na si Benedetta
Matapos ma-etsa-puwera nang matagal-tagal, nang dahil na rin sa paglabas ni Phoveus, na pangontra dito, inilabas muli si Benedetta.
Nagpamalas ng malupit na performance si Raizel gamit ang hero. Nagpakita rin siya ng efficient na rotation at paggamit ng skills para mag-clear ng minions. Nahirapan ang Rebellion Sinai na hulihin ang malikot na hero mapa-team fight man o split push.
Binuuan ni Raizel ang kanyang Benedetta ng Malefic Roar, Bloodlust Axe, War Axe, Brute Force Breastplate, Hunter Strike, at Warrior Boots.
Naging halimbawa ang pagwawalis ng Alter Ego X kontra Rebellion Sinai na viable na muli sa kasalukuyang meta si Benedetta.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.