Nagbigay ng personal na analysis ang dating EVOS Legends player na si Maxhill “Antimage” Leonardo sa naging laban ng RRQ Hoshi at Alter Ego kontra kila Pinoy pro Allen “Baloyskie” Baloy at Geek Fam ID sa opening week ng MPL Indonesia Season 10.
Nahirapan ang “King of kings” na makuha ang 2-1 victory laban sa Geeks sa pinakaunang serye ng bagong season samantalang nawalis naman ng AE ang mga ito sa sumunod na araw kung saan tila nag-struggle si Balosykie.
Bigla tuloy nagtaka ang Indonesian MLBB community kung bakit nahirapan ang defending champion na RRQ Hoshi sa kanilang pagharap sa Geek Fam ID na madaling bumagsak sa kamay ng Alter Ego. Isa sa mga nagtanong at tinangkang ipaliwanag ito ay ang inactive player na ngayon na si Antimage.
Ipinaliwanag ni Antimage ang mga naging laban ng RRQ Hoshi at Alter Ego kontra Geek Fam ID

Bagamat nakatanggap sila papuri mula kay RRQ Hoshi veteran EXP laner Rivaldi “R7” Fatah, hindi nito napalakas ang mentalidad ng Geek Fam ID sa kanilang bakbakan laban sa Alter Ego. Isang 15-minute win sa Game 1 at 13-minute victory naman sa Game 2 ang inilista ng AE laban kila Baloyskie.
Ito ang na-highlight ni Antimage sa kanyang livestream kamakailan. Ani niya, may malaking pagkakaiba ang playstyle ng Geek Fam at AE samantalang halos magkaparehas naman ang atake ng Geek Fam at RRQ.
“Alter Ego is playing early game really, while RRQ is playing late game as well as Geek Fam ID. Geek Fam was not given by Alter Ego the opportunity to play and enter the late game,” paliwanag ni Antimage.
Dagdag pa dito, ‘di umano napigilan ng Geek Fam ID ang pagiging agresibo ng Alter Ego kahit pa naglaro si Baloyskie. Samantala, mas mabagal naman maglaro ang RRQ Hoshi kaya nakasabay ang Geeks.
Maganda ang naging panimula ng kampanya ng Alter Ego at RRQ Hoshi sa MPL ID S10 habang dalawang magkasunod na talo naman ang agad nalasap ng Geek Fam ID.
Para sa MLBB at MPL news, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa akda ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports Indonesia.