Kalmado lang ang Aura Fire pagdating sa transfer market sa ngayon. Bilang isa sa mga pinakanag-improve na koponan sa MPL Indonesia, pinaniniwalaang wala masyadong magbabago sa kanilang roster.

Maaaring maging inspirasyon sa mga tao sa Mobile Legends competitive scene ang Aura Fire. Sa mga nauna nilang seasons, madalas silang nasa ilalim ng liga. Ngunit nitong nakalipas na season lang, nag-transform sila at naging isang super team na kayang patumbahin ang mas malalaking koponan.

Naipanalo nila ang kanilang unang kampeonato noong nakaraang taon sa Piala Presiden Esports 2021. Maganda rin ang ipinakita nila sa MPL ID Season 9 kung saan umabot sila sa lower bracket finals bago kuhanin ang 3rd place finish matapos matalo sa ONIC Esports.

Aura Fire
Credit: Piala Presiden Esports 2021

Mula sa mga tagumpay na ito, tila nanatiling tahimik ang Aura Fire habang abala ang mga koponan sa paghahanap ng mga manlalaro kabilang na ang Pinoy pros bago magsimula ang MPL ID Season 10.

Ang alam lang ng nakararami ay hindi makakapaglaro si gold laner Leonardo “Kabuki” Prasetyo Agung sa darating na season upang kumpletuhin ang kanyang edukasyon, na inilahad sa Empetalk. Bukod ito, wala na masyadong ingay na nagmumula sa kanilang kampo.

Hanggang sa magsalita ang kanilang batikang roamer na si Erico “God1va”. Sa isang event ng Revival TV, inilahad niya ang mga plano ng kanilang koponan para sa Season 10.


Magkakaroon ng bagong players ang Aura Fire para sa MPL ID Season 10

Credit: MPL ID

“There are additions, anyway, we have additions, but they cannot be revealed. So just wait on Aura’s Youtube, let’s have a lot of views,” wika ni God1va sa Meet and Greet event.

Inaasahan na ipo-promote ng Aura Fire ang ilan sa kanilang mga manlalaro mula sa kanilang Mobile Legends Development League (MDL) ID squad. Nakikita na ang gold laner na si Caid ang isa sa posibleng iangat sa MPL team.

Kilala ang Aura Fire sa pag-promote ng kanilang players mula sa MDL. Bukod kila God1va at Kabuki, ang iba pa nilang manlalaro na sina Usep “Facehugger” Satiawan, Jehuda “High” Jordan Sumual, Regi “Fluffy” Marviola at Jamet ay nakaranas maglaro sa MDL.

Para sa MLBB at MPL updates, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.