Si Aura Fire jungler Jehuda Jordan “High” Sumual ang isa sa pinaka-unique na manlalaro sa MPL Indonesia Season 9. Mayroon siyang mga abilidad na hindi makikita sa junglers ng ibang koponan.

Mahilig si Aura High na alamin ang lakas ng iba’t-ibang hero kaya naman meron siyang napakalaking hero pool pagdating sa competitive scene.

Hindi na sikreto na ang 20-year-old pro ang pioneer ng jungler-tanks sa MPL ID. Ginamit na niya ang mga tank hero tulad nila Uranus, Minotaur, Baxia at kahit Khufra bilang jungler sa naturang liga.

Nang makapanayam ng ONE Esports, sinabi ni Aura High na pwedeng gamitin bilang jungler ang mga hero na may mataas na antas ng mobility. Ang mindset na ito ang naghihiwalay sa kanya sa ibang koponan at nagpapanatili sa Aura Fire sa itaas ng standings.

Kaya rin niyang maglaro nang epektibo sa mga assassin tulad nila Ling at Lancelot maging sa mga fighter tulad ni Aulus kaya naman napaka-versatile ng manlalarong ito.


Nakatuon sa jungler-tanks ang bagong MLBB patch kaya swak ito para kay Aura High

Aura High (kaliwa)
Credit: ONE Esports

Nilabas na ang pinakamalaking MLBB patch sa kasagsagan ng MPL Season 9. Dala ng MLBB patch 1.6.66 ang napakaraming changes at isa sa mga kapansin-pansin dito ay ang binigay na buffs sa ilang tank heroes.

Mula kay Masha na nadagdagan ng durability para maging isang fighter-tank at sinundan nila Hilda, Grock, Atlas, Beleric, Johnson, Gatotkaca, Minotaur at Baxia na nabigyan-bigyan ng kanilang kanya-kanyang buffs. Tanging si Hylos lang ang na-nerf pero hindi naman kalakihan ang epekto nito.

Bukod sa buffs para sa tank heroes, in-adjust din ang Bloody Retribution na pabor para sa mga nabanggit na klase ng hero. Mula sa dating active effect nito na damage at HP regen na katumbas sa 12.5% max HP, ngayon ay nag-a-absorb na ito ng 250 + 25% ng extra HP ng caster.

In-game screenshot

Kung titignang mabuti ang mga pagbabagong dala ng MLBB patch 1.6.66 sa tank heroes, siguradong malaki ang makukuha dito ni Aura High dahil sa kanyang abilidad na maglaro ng tank heroes bilang jungler.

Kaya hindi na dapat tayo masurpresa kung magpi-pick ang Aura Fire ng Masha, Belerick o kahit Gatotkaca para sa kanilang versatile jungler.

Maganda ang tinatakbo nila Aura High at kanyang koponan ngayong season. Bukod sa on-fire na sila, tila sinusuportahan pa ng tadhana sa anyo ng bagong patch ang kanilang kampanya sa MPL ID Season 9.


Ang orihinal na akda ay isinulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports.