Iba na ang role ni Yosua “Tezet” Sanger sa Aura Fire mula pa noong MPL Indonesia Season 8. Matapos magsilbi bilang player para sa koponan nang mahabang panahon, ngayon ay nagta-trabaho na siya bilang analyst ngayong Season 9.

Hindi madali ang paglipat sa analyst role. Pero pinatunayan ni Aura Tezet na swak siya sa trabahong ito dahil natutulungan niya si head coach Reza Pahlevi na paliyabin ang Aura Fire sa gumugulong na season.

Matapos matalo sa EVOS Legends sa unang linggo, tumikada ang Aura ng apat na magkakasunod na panalo para makatuntong sa No. 2 sa standings pagkatapos ng Week 3 ng MPL ID S9. Patunay lang ito na malaki na ang naging improvement ng koponan kumpara sa mga nakaraang season kahit pa hindi naman gaano nagbago ang kanilang roster.

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makapanayam si Aura Tezet patungkol sa pagkakaiba ng pagiging analyst at player ng Aura Fire pagkatapos ng 2-0 sweep nila laban sa Rebellion Zion sa Week 3.

Aura Tezet
Credit: MPL ID

Sa kabuuan, sinabi ni Aura Tezet na sobrang kumportable siya sa kanyang bagong role bilang analyst dahil mas may boses na siyang ilahad ang kanyang opinyon sa kung ano ang maganda para sa koponan kumpara sa noong player pa siya.

“Maybe, the difference between an analyst and a player is that the analyst can talk more freely. If you are a player and you’re losing in scrims or tournaments, you might be hesitant to talk about playing badly. There’s a bad feeling to talk about that because maybe your teammates would not believe you or might feel that they’re being corrected,” wika ni Aura Tezet.

“While as analysts, those of us who love to advice will be heard more because we are the ones watching, so we know in full (the details about a match) to give input.”


Sinabi ni Aura Tezet na hindi na siya nagulat sa magandang ipinapakita ni Kabuki

Credit: ONE Esports

At ngayong analyst na siya ng Aura Fire, nakikita ni Tezet ang development ng mga players, lalo na ni gold laner Leonardo “Kabuki” Prasetyo Agung.

Noong nakaraang season pa lang ay pinupuri na ni Tezet maging ng mga tao sa labas ng Aura Esports ang performance at potensyal ni Kabuki, at hindi naman niya binigo ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang pinapakita sa MPL ID Season 9.

Hindi na umano nasurpresa si Aura Tezet sa improvement ni Kabuki at ibinunyag niya rin ang isa sa mga factor kung bakit ganito kalakas ngayon ang kanilang star gold laner.

“This is all because we believe in Kabuki. Since the beginning of Season 8, I’ve said that one of the best sidelaners is Kabuki and now we all know what his game is like,” ani niya.

Bukod sa pagiging matikas na gold laner, kaya rin makipagpalit ni Kabuki ng role kay jungler Jehuda Jordan “High” Sumual kapag open ang Fanny at iba pa niyang signature heroes. Kaya naman interesanteng masaksihan kung ano pa ang kayang ipakita ng Aura Fire ngayong season.


Salin ito ng artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.