Muling nagbabalik ang MLBB x Transformers collaboration, at ngayon may tatlong bagong skins ang nakatakdang sumakop sa Land of Dawn.
Ang ikalawang phase ng event ay nagsimula noong ika-24 ng Mayo, kasabay ng paglabas ng patch 1.6.84. Tampok din ang bagong event na Battle for Energon, kung saan may tsansa ang mga manlalaro na maka-draw ng permanent heroes, borders, at Transformers Pass sa paggawa ng tasks.
Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa bagong MLBB x Transformers event.
Kailan ilalabas ang tatlong bagong MLBB x Transformers skins

Nilabas noong ika-24 ng Mayo ang tatlong bagong skins, ang Starscream Aldous, Grimlock Roger, at Popol and Kupa Soundwave and Ravage. Available na rin ulit ang tatlong skins mula sa naunang MLBB x Transfomers event, ang Optimus Prime Johnson, Bumblebee X.Borg, at Megatron Granger.
Maaaring makuha ng players ang mga skins na ‘to mula sa special bingo event gaya ng sa King of Fighters collaboration noong nakaraang taon. May kaakibat na diamond ang halaga ng bawat draw sa MLBB x Transformers event, ‘pag naka-10 draw na, may random piece sa bingo board na iilaw.
‘Pag naka-bingo ka na gamit ang tatlong magkakahilerang piraso, makakakuha ka ng Transformers o Epic skin na wala pa sa collection mo. Bagamat medyo matagal at marami-raming diamond ang kailangang gastusin para makakuha ng Transformers skin, tiniyak naman ng Moonton na makakakuha ang mga player ng Grimlock Roger sa loob ng unang 10 draws.
Pwede ring mag-preregister sa events tab para makakuha ng libreng Transformers pass, na pwedeng gamitin sa draw simula ika-28 ng Mayo.
Tatakbo ang bingo event simula ika-24 ng Mayo hanggang ika-pito ng Hunyo.
Battle for Energon event

Maaaring makakuha ng permanent heroes, borders, at libreng Transformers Pass nang libre sa Battle for Energon event. Makakatanggap ka ng Energon Cubes sa pag kumpleto ng in-game tasks gaya ng pakikipaglaro sa mga kaibigan at pag-login sa laro. Maaaring gamitin ang mga Energon Cubes na ‘to para i-exchange sa mga item gaya ng Hero Fragment.
Narito pa ang mga posibleng rewards sa MLBB x Transformers event na tatakbo simula ika-24 ng Mayo hanggang ikalima ng Mayo.
| REWARD | BILANG NG ENERGON CUBES |
| Magic Dust | 20 |
| Ravage Eject! emote (trial) | 40 |
| Premium Skin Fragment | 60 |
| Grafitti: Autobots | 80 |
| Hero Trial Pack | 120 |
| Me Grimlock King! emote (trial) | 160 |
| Magic Dust | 200 |
| Transformers Border Choice Chest | 250 |
| Hero Fragment | 300 |
| My Time Will Come! emote (trial) | 350 |
| Epic Skin Trial Card Pack | 400 |
| Graffiti: Decepticons | 450 |
| Magic Dust | 500 |
| Hero Choice Chest | 550 |
| Premium Skin Fragment | 600 |
| Lucky Ticket | 700 |
| Epic Skin Trial Card Pack | 800 |
| Transformers Pass | 900 |
Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Performance ni Wise sa 31st SEA Games patunay ng kanyang husay bilang jungler