Hindi lamang ang tamang paggamit ng hero at item builds ang binibigyang-pansin sa Mobile Legends. Kritikal ding intindihin ang tinatawag na battle spells sa MLBB at kung paano gumagana ang mga ito.

Sa sulat na ito, hihimayin natin kung ano ang epekto ng mga battle spells na Execute, Retribution, Inspire at Sprint, kasama na din ang ilang heroes na puwedeng paggamitan nito.

Ano ang Battle Spells sa MLBB?

Credit: Moonton/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Ang battle spells sa MLBB ay mga additional spells na maaaring mong gamitin sa laro para makatulong sa iyong hero makakuha ng kalamangan sa positioning, jungling, damage output at marami pang iba.

Ito ay iba sa mga hero skills at active effects ng mga items sa laro. Sa ngayon ay may labindalawang battle spells sa MLBB na mapagpipilian sa pregame lobby.

Tandaan na isa lamang na spell ang magagamit mo sa laro at hindi mo na ito mababago kapag nagsimula na ang match. Ito rin ang dahil kung bakit kritikal na alam mo kung anong battle spell ang pinaka-angkop para sa iyong hero.


Battle Spells sa MLBB at kung paano ito gumagana

Execute

Credit: Moonton

Ang Execute ay isang battle spell na maaaring makatulong sa pagselyo ng mga kills para sa iyong hero. Sa paggamit nito, makakapaglabas ka ng 100 (+10*Hero Level) damage, at adisyunal na 13% ng nawalang HP sa kalaban bilang True Damage.

Ang true damage ay isang uri ng damage na hindi nakokontra ng kahit anong defense sa laro, kaya naman swabe itong gamitin lalo na kapag mababa na ang HP ng gustong patayin na kalaban.

Pro Tip: Perpekto itong spell lalo na kung agresibo ang play style na gusto mong gawin sa laro dahil talagang makati ang damage na dala nito. Sa pagkakataong namatay ang hero na ginamitan ng Execute, mababawasan ang cooldown ng spell ng 40%.

Ilan sa mga heroes na maaaring gamitan ng Execute: Paquito, Yu Zhong, Zilong, Balmond, Hilda, Freya, Guinevere, Silvanna, Saber, Benedetta at Uranus.


Retribution

Credit: Moonton

Sa mga battle spells sa MLBB, ang Retribution ang nag-iisang spell na masasabing ginawa talaga para sa mga junglers. Kapag ginamit ito sa laro, naglalabas ito ng 520(+80*Hero Level) True Damage sa mga creeps o minions.

Para sa passive effect nito, madadagdagan ng 60% ang creep rewards habang mababawasan naman ang damage ng mga ito sa iyong hero ng 40%. Sa kabilang banda, may tatlong uri ng retribution na maaaring makuha sa laro. Ito ang ice, flame at bloody retribution.

Pro Tip: Kritikal na malaman kung anong uri ng Retribution ang bagay sa iyong hero at kontra sa iyong mga kalaban. Ang Flame ay nagnanakaw ng damage sa kalaban, ang ice naman ay nagnanakaw ng movement speed, at ang Bloody ay nagnanakaw ng HP.

Ilan sa mga heroes na maaaring gamitan ng Retribution: Yi Sun Shin, Roger, Natan, Lancelot, Benedetta, Ling, Fanny at Paquito.


Inspire

Credit: Moonton

Isa ang Inspire sa mga battle spells sa MLBB na tumutulong maglabas ng damage output para sa gumagamit. Kapag inactivate mo ito, magkakaroon ang iyong hero ng enhanced basic attack hanggang walong beses sa loob ng limang segundo.

Itinataas din nito ang attack speed ng iyong hero ng 55% habang binbawasan ng 8(+1*Hero Level) Physical Defense ang target.

Pro Tip: Ito ang dahilan kung bakit tipikal ginagamit ang Inspire sa mga heroes na kinakailangan ng karagdagang bilis umatake sa mga teamfights at sa push. I-activate laamng ito sa mga pagkakataong kailangan ng damage output gaya ng mga nabanggit na pagkakataon, at kung kumukuha ng iba pang objectives tulad ng Lord at Turtle.

Ilan sa mga heroes na maaaring gamitan ng Inspire: Miya, Layla, Bruno, Wanwan at Freya.


Sprint

Credit: Moonton

Para sa mga heroes na kulang sa movement speed, Sprint ang isa sa mga pinakamainam na gamitin na battle spells para mapunan ang kakulangang ito.

Binibigyan ng Sprint ang iyong hero ng 50% increase sa movement speed na unti-unting nagdedecay pagkatapos ng dalawang segundo. Sa kabuuan ay may walong segundo na additional movement speed ang iyong hero.

Bukod sa adisyunal na movement speed, hindi rin mapapabagal ng kahit anong slow ability ng kalaban ang iyong hero sa loob ng dalawang segundo, kasama na din ang 40% kabawasan sa control ability kontra sa iyo.

Pro Tip: Gamitin ang battle spell na ito sa mga pagkakataong gusto mo makaposisyon sa team fights o di kaya naman ay para makalayo sa mga engagements.

Ilan sa mga heroes na maaaring gamitan ng Sprint: Grock, Akai, Hanzo, Vexana.


Apat pa lamang ito sa mga battle spells sa MLBB at marami pang ibang spells na hihimayin natin. Abangan ang mga ito sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!