Noon ay maraming heroes sa Mobile Legends: Bang Bang ang pwedeng ituring na best counter kay Grock. Ngunit dahil sa kasalukuyang meta na dala ng MLBB Patch 1.6.66, lumakas at lalong kumunat ang Fortress Titan.

Matapos makatanggap ng malalaking buffs at ma-revamp ang ilang skills, nauso ang killer Grock build na ginagamit sa gold lane o EXP lane kaya naman hindi na lang siya pang-roamer ngayon.

Credit: Moonton

Bukod sa kaya na niyang mag-regen ng kanyang HP malapit sa kanyang wall, kumukunat din siya lalo kapag binubuuan ng damage items na ginagawa ngayon ng mga professional players.

Isa siya sa mga hero na madalas makita ngayon sa competitive scene. Pero sa naganap na MDL Indonesia Season 5 first round playoffs noong Biyernes (ika-15 ng Abril), ipinakita ng Dewa United Esports kontra sa Bigetron Beta ang best counter kay Grock.


Popol and Kupa roamer ang best counter kay Grock, ayon sa laro ng Dewa United laban sa Bigetron Beta

Popol and Kupa roamer ang best counter kay Grock
Credit: Moonton

Winalis ng Dewa United Esports ang Bigetron Beta sa iskor na 2-0. Sa unang laban ay perpekto nilang ginamit ang EXP lane Grock at pagdating naman ng ikalawang laro ay ipinakita nila ang best counter kay Grock.

Upang masolusyunan ang Grock sa Game 2, nag-pick ang Dewa United ng roaming Popol and Kupa, na epektibong sinundan at sinira ang rotation ng malaking bato na hero.

Bumuo rin ang Popol and Kupa ng first item na Sea Halberd upang lubos na mabawasan ang HP regen ng kalabang Grock. Bagamat isang marksman hero na madalas makitan ngayon sa gold lane, nagawang makipagsabayan ng PNK dahil ginamitan ito ng Tank emblem na may Tenacity talent.

Dahil sa best counter kay Grock na roaming Popol and Kupa, nakaabante ang Dewa United sa Round 2 kontra CO2Z Esports. Umabot pa nga sila sa semifinals ngunit na-sweep sila ng eventual champion na EVOS Icon.



Pagsasalin ito ng artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.