Si Julian, isang mage fighter sa Mobile Legends: Bang Bang, ay malakas sa kahit anong meta.

Noong siya ay inilabas, ayon sa MLBB statistics, ang Scarlet Raven ang pangalawang pinakamadalas na banned hero sa mga Mythical Glory na laban.

Siya ay maaaring laruin sa iba’t ibang paraan dahil sa kanyang mabibilis na kit.

May burst damage siya na Enhanced Scythe, may maaasahang pagtakas gamit ang Enhanced Sword, at kamangha-manghang team fight potential dahil sa kanyang Enhanced Chain, kung kaya’t isa siyang hero na sulit masterin.

Ngunit tulad ng maraming napakalakas na hero, may ilang mga hero na maaaring ipantapat sa kanya. Narito ang tatlong hero na mahusay na piliin laban kay Julian sa iyong ranked games.

3 epektibong hero na pang-counter kay Julian sa MLBB

Benedetta

Death Oath Benedetta
Credit: Moonton

Ang mga herong mabilis at may maraming dash skills ay magtatagumpay laban kay Julian, at isang hero na tumutukoy sa paglalarawan na iyon ay si Benedetta.

Si Benedetta ay may kakaibang auto-attack mechanic.

Sa halip na umatake sa isang lugar, siya ay dumadash tuwing umatake. Ang nagpapakita ng kanyang kahusayan laban kay Julian ay ang kanyang kakayahan na madaling iwasan ang karamihan ng mga atake na nakabase sa skill sa pamamagitan lamang ng pagpindot sa basic attack button.

Ang kanyang second skill na An Eye for an Eye ay kumokontra din sa lahat nang damage at crowd control skills ng Scarlet Raven. Ang isang bihasang manlalaro ng Benedetta ay magpapahirap sa laning phase ni Julian.

Chou

Mobile Legends: Bang Bang ECHO Chou skin wallpaper
Credit: Moonton Games

May dahilan kung bakit itinuturing si Chou na isang herong hindi kailanman mawawala sa meta.

Katulad ni Benedetta, mayroong maraming dash skills si Chou, bukod pa sa isang maaasahang gap closer na Jeet Kune Do. Ang kanyang pangalawang skill ay nagbibigay din sa kanya ng immunity laban sa anumang crowd control, kabilang na ang Chain ni Julian.

Si Chou ay may respetableng damage output kapag nakakamtan na niya ang level four.

IBA PANG MLBB GUIDES
RG Guide: Paano gamitin ang Mid Lane Pharsa, items, skills, etc
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
Heto ang tips ni M4 world champion ECHO SanFord para sa EXP laners
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!

Dahil sa mababang depensa ni Julian sa early game, isang combo lang ng Jeet Kune Do at Way of Dragon ay sapat na para patayin ang Scarlet Raven.

Ang tanging kahinaan ng paglalaro kay Chou ay ang kahirapan na gamayin siya, at ang isang maling skill ay maaaring magdulot ng disgrasya sa isang 1v1 situation.

Gusion

Mobile Legends: Bang Bang asssasin Soul Revelation Gusion skin
Credit: Moonton Games

Kung gusto mo ng maging agresibo, piliin si Gusion. Bukod sa pagkakaroon ng isa sa pinakamalakas na burst capabilities, mayroon din si Gusion na magandang mobility, na makakatulong laban sa Scarlet Raven dahil umaasa ito ng malaki sa pagtama ng kanyang mga skill para gumawa ng play.

Kapag nagtagumpay si Gusion sa kanyang Sword Spike, maaari siyang maghintay na si Julian ay gamitin ang lahat ng kanyang mga skill bago mabilis na umikot sa likuran nito para sa mabilis na pagpatay.

Gayunpaman, mahalaga na huwag tamaan ng Enchanted Chain, dahil isang buong combo ay sapat nang para sa pagpatay sa’yo sa laban.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano sumali sa MCL tournament sa Mobile Legends: Bang Bang