Tipunin na ang iyong squad para sa matinding bakabakan sa Mobile Legends: Bang Bang laban sa ibang koponan para sa karangalan at mga eksklusibong premyo!

Ang MCL tournament ay isang lingguhang in-game event kung saan ang mga manlalaro ay bumubuo ng mga koponan ng lima at naglalaban-laban sa isang single-elimination bracket.

Ang koponang nananalo kada linggo ay nakakatanggap ng exclusive border, recall effects, at pati na rin permanent skins.

Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa MCL tournament sa Mobile Legends.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combo na ito

Paano sumali sa MCL tournament

Mobile Legends: Bang Bang MCL tournament lobby screen
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang MCL weekly tournament ay nangyayari tuwing Sabado ng 8 p.m. GMT+8.

Upang sumali, kailangan mo ng Entrance Ticket na maaaring makuha sa tab ng squad rewards o sa pamamagitan ng pagbili ng isa para sa 20 diamonds.

Ang mga manlalaro ay dapat ding nasa antas na hindi bababa sa level 20 at mayroong higit sa 16 heroes para makalahok.

Ang mga koponan ay pinagtatapat batay sa kanilang antas at rehiyon, upang masigurong magiging patas sa pamamagitan ng pagpares sa kanila sa mga kalaban na may kaparehong level.

Upang manalo sa torneo, ang isang koponan ay nangangailangang magtagumpay sa tatlong best-of-one series.

Paano mahanap ang tunay na Sun mula sa mga Sun clones
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Bagaman ang paglalaro bilang isang koponan ay angkop, maaari pa ring sumali ang mga solo players sa torneo. Sa pagpasok sa MCL lobby, i-click lamang ang “find teammates” button para makakuha ng mga random na kasamahan.

Ang mga nanalong koponan sa lingguhang torneo ay iniimbitahan sa MCL Final, na karaniwang ginaganap sa huling linggo ng regular na MPL season.

Sa torneong ito, ang mga koponan ay makikipagkumpitensya laban sa mga nanalong koponan mula sa lingguhang torneo para sa MCL champion trophy.

Ang lahat nang MCL weekly at final tournament rewards

Mobile Legends: Bang Bang MCL tournament weekly rewards
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang pagkapanalo sa lingguhang MCL tournament ay may kaakibat na maraming rewards.

Bukod sa prestihiyosong silver MCL trophy logo na makikita sa iyong loading screen sa loob ng isang linggo, ang mga nagtatagumpay na koponan ay nakakatanggap ng eksklusibong Champion Battle emote, Starlight points, squad points, at maging ang pagkakataon na makakuha ng permanent Epic skins.

Para sa mga nakamit ang titulo ng MCL Final Champions, mas malaking mga premyo ang kanilang matatanggap.

Kasama ng eksklusibong gold MCL trophy logo na magpapakita sa kanilang loading page, tiyak sa kanila ang isang random na permanent skin, isang pagkakataon na makatanggap ng eksklusibong painted skin, at iba pang mga rewards.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Maging makunat sa gold lane gamit ang Karrie tank build