Mahalaga ang papel ng mga mage hero sa Mobile Legends: Bang Bang.

Karaniwan silang nakapwesto sa mid lane, ang mga hero na ito ang responsable sa pagbibigay ng malaking magic damage at pagtulong sa mga sidelane habang nasa laning phase.

Sa higit sa 30 mage heroes sa laro, nakakalito ang pagpili kung sino ang pag-aaralan at gagamitin.

Gayunpaman, naniniwala si Blacklist International mid laner Salic “Hadji” Imam na ang partikular na mage na ito ay mayroong lahat ng kailangan mo.



Hadji naniniwalang ang mage hero na ito ay makakatulong magpataas ng iyong rank sa Mobile Legends

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), binigyang-diin ng star ng Blacklist sina Lylia, Valentina, at Pharsa bilang pinakamalakas na mga hero sa kasalukuyang meta.

Nang tanungin kung sino ang pinakamahusay sa kanilang tatlo, binigyang-diin ni Hadji na si Valentina, ang Prophetess of the Night, pa rin ang naghahari.

Ayon kay Hadji, bukod sa malakas na damage, dash skill, at mataas na survivability, kaya rin niyang kopyahin ang ultimate ng mga kalaban, kung kaya hindi ka magsasawa na gamitin siya.

Mula nang mailabas noong 2021, patuloy ang pagtaas ng popularidad ni Valentina sa parehong casual at professional play.

Mobile Legends: Bang Bang Archmagister Valentina skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Ang kanyang natatanging kakayahan na kumopya ng ultimate skills ay naging isang malaking pagbabago sa laro, lalo na kapag kalaban ang mga hero na may initiation skills at team buffs tulad nina Atlas, Tigreal, Diggie, at Estes.

Binanggit din ng Blacklist midlaner na si Valentina ay maaaring maging versatile kapag nagro-roam sa ibang lanes dahil sa kanyang second skill na Arcane Shade, na nagbibigay-daan sa kanya na mag-dash ng dalawang beses nang mabilis.

Sa kabila ng ilang nerfs mula sa Moonton Games sa mga nagdaang taon, nananatili si Valentina bilang paborito para sa maraming mage mains sa laro.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Mga hero na dapat gamitin upang maghari sa EXP lane ayon kay AP Bren FlapTzy