Ang Nova Esports ay magkaroon ng kanilang unang pagtungtong sa international stage sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023).

Ang koponang mula sa China ay naghahangad na patunayan ang kanilang sarili laban sa mga beteranong koponan mula sa iba’t ibang rehiyon ng MPL.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, sinabi ng mga miyembro ng koponan na lalo silang nae-excite na subukan ang kanilang lakas laban sa ilang koponan. Ang nakakagulat dito ay nasa iisang MPL region lamang ang mga teams na ito.



Nais ng Nova Esports na makaharap ang mga koponan mula sa MPL PH sa MPLI 2023

ECHO members hold the M4 World Championship trophy
Credit: ONE Esports

Ang mga miyembro ng Nova Esports ay nagkaruon ng iba’t ibang tugon nang tanungin kung aling koponan ang kanilang iniintay na makaharap sa MPLI 2023.

Ang Jungler ng koponan na si Hong “September” Yan at goldlaner na si JunLi “Guoguo” Zeng ay parehong excited na makaharap ang ECHO mula sa Pilipinas. Tungkol sa dahilan, pareho silang nagpasya na manatiling simple.

“Dahil sila ay dating world champions,” ang parehas nilang sagot.

Si ZiHao “Sadboy” Chen ay tuwang-tuwa sa matchup laban sa isa pang dating world champion mula sa Pilipinas, ang Blacklist International sa Jakarta.

“Madalas kong pinapanood ang mga laro nila at natututo ako. Kaya interesado ako na makalaban sila,” sabi ng EXP laner.

The competing players for Blacklist international at MPLI 2023
Credit: Blacklist International

Si ZiRi “Ziri” Chen ay nakatuon naman sa head-to-head laban sa M2 World Champions na AP Bren dahil sa palagay ng midlaner, ang mga ito ang pinakamalakas na koponan sa Pilipinas.

Samantalang si Ri “Mei” Zhou ay may mas malawak na pananaw. Ang roamer ay nais na makalaban ang lahat ng mga dating kampeon ng M World Series dahil gusto niyang maramdaman ang kanilang lakas nang personal.

AP Bren's trophy lifting after winning the MPL PH Season 12 grand final
Credit: Moonton Games

Tanging si YuanBo “Vikor” Xu ang nagbanggit ng isang koponan na labas ng MPL PH. Ang multirole player ng koponan ay umaasang makaharap ang TheOhioBrothers mula sa North America.

Nais niyang subukan ang kanyang sarili laban sa jungler ng koponan, si bestplayer1, na sa kanyang opinyon ay ang jungler na may pinakamahirap na maging katapat.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Road to MPLI 2023: Team Falcons ng MENA planong umarangkada sa kanilang international debut