Muling ibabandera ng See You Soon ang bandila ng Cambodia sa international stage, sa pagkakataong ito ay sa ONE Esports Mobile Legends: Bang bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023)

Tinalo ng koponan ang CFU Gaming sa isang kapanapanabik na grand final sa MPL Cambodia Autumn 2023 para maka-qualify sa MPLI at sa inaabangan ding M5 World Championship.

Papunta ng MPLI, sisikapin ng See You Soon na ipagpatuloy ang ingay na ginagawa ng Cambodia sa MLBB eksena.

Matatandaan na naging host ang bansa ng 32nd Southeast Asian Games at ng MLBB Southeast Asia Cup 2023 kamakailan, kung saan impresibong performances ang isinalang ng mga teams mula rito.



Gaano kalakas ang See You Soon papunta sa MPLI 2023?

Roster ng See You Soon para sa MPLI 2023
Credit: ONE Esports

Hindi bago sa Cambodian squad ang major international tournaments sapagkat matatandaan na nakalahok na rin sila sa MPLI 2021, M2 World Championship at MSC 2022.

Sa darating na MPLI, isasabak ng pangkat ang magkahalong Cambodian veterans at Filipino imports.

Pangungunahan ng roamer na si Sok “Boxi” Viera ang atake ng MPL KH champions, kasama ang EXP laner na si Leng “Felix” Kimhak at midlaner na si Sovann “RAA” Chanmakara. Mababalikan na sina BOXI at FELIX ang sus isa tagumpay ng SYS sa MPL KH Season 1 dalawang taon na ang nakalipas.

Makakatuwang ng mga Cambodian ang dalawang Pinoy imports na sina Clarense Jay “Kousei” Camilo at Michael “MP the King” Endino na tatao sa magkasunod na gold laner at jungler positions.

Buhat ng See You Soon jungler na si MP the King ang tropeyo ng MPL KH Autumn
Credit: MPL Cambodia

Agad na ipinamalas ng mga Pinoy ang kanilang husay sa gumulong na MPL Cambodia season. Mas kapansin-pansin ito sa kampanya nila sa playoffs kung saan hinirang na game MVP is Kousei ng apat na beses, habang dalawang beses namang binigyan ng gantimpala si MP the King.

Bilang isang hanay, kakaibang tikas ang ipinakita ng See You Soon sa tumakbong MPL KH Autumn.

Nakalawit ng pangkat ang third place finish sa regular season, at umalagwa sa playoffs kung saan pinatumba nila ang PRO Esports sa isang do-or-die series. Pagkatapos nito, pinatid nila ng powerhouse BURN x FLASH at CFU Gaming sa upper bracket.

Sa grand finals rematch kasama ang CFU, binura ng SYS ang nakakadismayang game six performance para nakawin ang tropeyo.



Roster ng See You Soon para sa MPLI 2023

PLAYERROLE
Leng “Felix” KimhakEXP lane
Michael “MP the King” EndinoJungle
Sovan “RAA” ChanmakaraMidlane
Clarense “Kousei” CamiloGold lane
Sok “Boxi” VireaRoam
Mon “RunTheKing” PhearunRoam

Panoorin ang See You Soon makipagbabagan sa pinakamalalakas na teams sa buong mundo sa GBK Baskeball Hall sa Jakarta, Indonesia mula ika-15 hanggang ika-19 ng Nobyembre. 

Maaaring makakuha ng tickets sa KiosTix, ang opisyal na ticketing partner ng MPLI.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Road to MPLI 2023: HomeBois gigil na magbigay-karangalan para sa Malaysia