Handa na ang Team Falcons para sa kanilang interntional debut sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), bilang kinakatawan ng Middle East and North Africa (MENA) region.

Bilang mga runner-up ng MPL MENA Fall 2023, ang koponan ay bumangon sa pagkakataon matapos ang pag-atras ng tinanghal na kampeon, ang Triple Esports.

Bagaman medyo bago sa professional Mobile Legends scene ang organisasyon, kanilang inirecruit ang ilang mga beterano, kasama na ang kanilang coach na may malawak na karanasan.



Isang pasilip sa Team Falcons papuntang MPLI 2023

The full roster of Team Falcons at MPLI 2023
Credit: ONE Esports

Ang star jungler na si Mahmoud “Lio” Elsayed at EXP laner na si Abdulaziz “Hulk” Sulaimani, parehong respetadong beterano sa rehiyon, ang mangunguna sa kampanya ng koponan sa nalalapit na torneo.

Si Lio at si Hulk, na nagwagi sa MPL MENA Fall 2022 kasama ang Occupy Thrones, ay nagpakita ng kanilang husay sa M4 World Championship, kung saan sila ay umabot sa playoffs.

Bukod dito, si Lio, isang nominado para sa 10 Greatest Players award, ay nagdala sa Occupy sa kampeonato ng MPL MENA Spring 2023, na nagbigay sa kanila ng puwang sa MLBB Southeast Asia Cup 2023.

Nagdadagdag ng diversity sa koponan ang gold laner mula sa Pilipinas na si Patrick “Lawtrick” Ciego, dating substitute para sa TODAK, na nagwagi sa MPL Malaysia Season 11.

Si Lawtrick ay gumanap ng kritikal na papel sa paglalakbay ng koponan patungo sa MPL MENA Fall 2023 grand final — tatlong beses siyang itinanghal na game MVP sa playoffs.

Ang gumagabay sa koponan ay si Kevin “Ola” Olavere, isang beteranong coach mula sa Pilipinas na nagdala ng titulo sa MPL Cambodia Spring 2023 para sa BURN x FLASH, at namuno sa Team Occupy sa MSC 2023.

Sa pagpasok sa MPLI, ang kinatawan ng MENA ay handang ipakita ang kanilang kahanga-hangang kakayahan sa bilang isang koponan na nagbigay daan sa kanila upang talunin ang parehong Okami Esports at Triple Esports sa upper bracket ng MPL MENA Fall 2023.

Team Falcons roster para sa MPLI 2023

PLAYERROLE
Mahmoud Mostafa Mahmoud “Lio” El-SayedJungler
Abdulaziz Helal “Hulk” SulaimaniEXP laner
Patrick Lawrence “Lawtrick” CiegoGold laner
Jaylord “Goodnight” BacogMid laner
Ahmad Sameer Ibraheem “Super” AlzaglulRoam
Ramez El-Sayed “Ramez” MohamedMultirole

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPLI 2023: Narito ang lahat ng qualified teams