Si David “FlapTzy” Canon ng AP Bren ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na EXP laners sa Mobile Legends: Bang Bang.

Sa paggamit ng isang agresibong playstyle, siya ay laging nagdodomina sa laning phase, na nagbibigay ng maagang advantage para sa kanyang koponan.

Ang kanyang mga pambihirang katangian ay hindi lang dahil sa kanyang husay sa paglalaro — mayroon siyang malalim na pang-unawa sa mga EXP lane heroes, kasama na ang kanilang mga lakas at kahinaan, kung kaya’t naiiba siya.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), ibinahagi niya kung aling mga hero ang dapat piliin ng mga players sa ranked games kung gusto nilang manalo.

IBA PANG MLBB GUIDES
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Kahalagahan ng 3 potions at kung sulit bang bumili nito

Gusto mong magdomina sa EXP lane? Ito ang mga hero na kailangan mo, ayon kay FlapTzy

AP Bren EXP laner David "FlapTzy" Canon and a sihouette of Mobile Legends: Bang Bang hero, Khaleed
Credit: ONE Esports

Sa Patch 1.8.30, maraming fighter heroes tulad nina Thamuz, Argus, at Guinevere ay binigyan ng buff. Dahil dito, maraming hero na hindi ginagamit nang matagal ay ngayo’y naging prayoridad na sa pick at ban phase.

Si FlapTzy, na nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa mga pagbabago, ay pabor sa mga pag-adjust na ginawa sa mga partikular na hero na ito.

Ayon kay Flap, maraming heroes sa kasalukuyang meta ngayon ang may dash skill, kaya malakas na pick ngayon si Minsitthar.

Isa sa mga best counters para kay Mathilda ay si Minsitthar
Credit: Moonton

Nang tanungin tungkol sa kanyang ini-rekomendang mga hero sa EXP lane, dalawang hero agad ang lumabas sa bibig ng EXP laner.

“Khaleed at Minsitthar,” sabi niya.

Sa pinakabagong patch, nakuha ng Desert Tornado ni Khaleed ang malaking boost, kung kaya’t maaari na itong i-cast nang tatlong beses na sunod-sunod nang hindi kinakailangan tamaan ang isang kalaban na hero sa bawat activation.

Ang adjustment na ito ay nagdudulot ng mas mababang risk kung hindi mo matamaan ang isang kalaban na hero gamit ang skill. Ngayon, ang Desert Tornado ni Khaleed ay maaaring magpatuloy sa pag-ikot nito ng tatlong beses, nagbibigay ng mas mataas na tsansa na makapagdulot ng damage at maka-secure ng kill.

Tungkol naman kay Minsitthar, maaari na niyang i-cast ang iba pang mga skill habang ini-eretract ang kanyang sibat, kaya’t mas kaunti ang oras para sa mga kaaway na umaksyon at makatakas sa mahahalagang team fights.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends