Dumako man sa nakaka-kabang closeout game ay hindi pinabayaan ni Kristoffer “Coach BON CHAN” Ricaplaza na magapi ang kaniyang Blacklist International sa kanilang grand finals serye kontra MHRLK Esports para manaig sa SIBOL MLBB IESF World Esports Championships Phase 2 Playoffs.

Dahil sa panalong ito, si BON CHAN ang hihirangin bilang head coach ng team na ipapadala ng Pilipinas para sa international patimpalak na gaganapin sa Bali, Indonesia ngayong Disyembre.


Coach BON CHAN, Blacklist nilusutan ang MHRLK, 2-1

Credit: Blacklist International

Nagawa mang itabla ng MHRLK Esports ang serye sa Game 2 ay magnipikong close out game ang ipinamalas ng M3 World Champions.

Sumandal muli si BON CHAN sa Bruno ni Kiel Calvin “OHEB” Soriano na nagpalambot sa heavy sustain lineup ng amateur team at bumasag ng kanilang mga tore para ilista ang isa nanamang kampeonato sa bandera ng Blacklist. Sa naturang matchup, nagtala ang “The Filipino Sniper” ng swabeng 7/2/5 KDA katuwang ng MVP of the Game gantimpala.

Naging madikit din ang bakbakan sa Game 1 na binuksan ni BON CHAN gamit ang parehong lineup. Bagamat hindi naging kasing-epektibo si OHEB sa Bruno ay Valentina ni Salic “Hadji” Imam ang kumamada para sa BLCK.

Pinanis ng “KDA Machine” ang MHRLK gamit ang mage na nagpakawala ng magagarbong initiation plays para ilista ang perpektong 9/0/5 KDA.


Sasabak ang mga manlalaro ng Blacklist at MHRLK Esports sa PH Combine na gaganpin sa July 15 hanggang 17 kung saan hihirangin naman ang mga miyembro na bubuo sa SIBOL MLBB team na isasabak sa international stage ngayong Disyembre.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Ano ang role ni Coach Yeb sa ONIC Esports gayong nananatiling head coach si Mars?