Aabante papunta ng PH Combine ng SIBOL MLBB International Esports Federation (IESF) 14th World Esports Championships (WEC) ang mga miyembro ng Blacklist International at MHRLK Esports.

Karugtong ito pananaig ng dalawang teams sa katatapos lamang na Phase 2 Playoffs kung saan nagsugapaan ang top 14 teams mula sa Phase 1 qualifiers, katuwang ng Blacklist at Smart Omega na binigyan ng direktang imbitasyon.


Blacklist nilusutan ang Euphoria Esports, MHRLK binigo ang ECHO Loud

Credit: Blacklist International

Madaling dinispatya ng Blacklist ang AP Esports Hybrid at Minana gamit ang magkasunod na 2-0 sweep para pagulungin ang kanilang tangkang umabante sa PH Combine. Bagamat may momentum pagdako ng semifinal round ay nagulantang ang M3 World Champions sa isinalang na laro ng Euphoria Esports na kinuha ang opener sa kanilang best-of-three.

Mistulang naging pampagising ito sa koponan ng Tier One dahil magnipikong disiplina ang ipinamalas ng dekoradong team sa magkasunod na Games 2 at 3 para kuhanin ang serye.

Credit: Blacklist International

Samantala, malaking pasabog ang ginawa ng MHRLK na pinatahimik ang ECHO Loud sa parehong semifinal matchup. Kahit pa paborito ang kalabang team ay hindi natinag ang kumpiyansa ng amateur team na kinuha ang krusyal na Game 1.

Credit: MHRLK Esports

Sinubukan ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno, Tristan “Yawi” Cabrera at Benny “Bennyqt” Gonzales na ibaling ang momentum sa kanilang panig dala ng magilas na Game 2, ngunit bigo ang koponan na makumpleto ang reverse sweep sa closer.


Sa panalo ng Blacklist at Euphoria Esports, iseselyo nila ang karapatan para makalahok sa PH Combine nagaganapin sa ika-15 hanggang 17 ng Hulyo na magdidikta kung sino ang mga manlalarong isasabak sa 14th WEC na gaganapin sa Bali, Indonesia ngayong Disyembre.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Ididikta naman ng grand finals matchup ng Phase 2 ang coach na gagabay sa team.

Sundan ang pinakahuli sa MLBB sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 10