Kasado na ang mga teams na magbabakbakan sa Phase 2 ng SIBOL MLBB Qualifiers para sa idadaos na 14th World Esports Championship ng International Esport Federation (IESF).

Sa naturang bracketing, makakasagupa ng main 5 ng M3 World Champions Blacklist International ang AP Esports Hybrid sa unang serye ng Phase 2, habang magtutunggali naman ng MPL PH Season 9 runner ups Smart Omega at ang ECHO Proud.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Susubukin naman ng ECHO Loud, isa pang breakaway group mula ECHO, ang amatuer standout team na Z4 Pegaxy sa Match 6.

Mababalikan na binigyan din ng direktang imbitasyon ang RSG Philippines sa SIBOL MLBB Qualifiers kasama ng Blacklist at Omega. Gayunpaman, makikitang hindi kalahok ang MSC 2022 at MPL PH Season 9 champions mula sa inilabas na matchups.

Wala pang opisyal na anunsyo ang team tungkol sa kanilang pag-atras mula sa patimpalak.


Schedule ng SIBOL MLBB WEC Qualis

I-uupdate ang article na ito.


Format ng SIBOL MLBB IESF WE Championships Qualifiers

Credit: Moonton

Magbabakbakan ang natitirang 14 teams katuwang ng Blacklist at Omega sa Phase 2 Playoffs ngayon, sa best-of-three series. Mula dito, hihirangin ang top 2 teams na makaka-qualify sa PH Combine na gaganapin naman sa ika-15 hanggang 17 ng Hulyo.

Karugtong ito ng pagbabago ng proseso ng organisasyon sa pagpili ng players na sasabak sa international patimpalak. Taliwas sa ginawa ng SIBOL MLBB para sa 31st Southeast Asian Games, hindi na team selection ang iiral kundi player selection.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Ito ang layunin ni Kairi sa kanyang paglipat sa ONIC Esports para sa MPL ID Season 10