Nakuha ng RSG PH ang boto ng isa sa mga tinitingalang coaches sa Pilipinas.

Sa isang vlog na ipinost ng MPL PH Season 9 caster at dating Nexplay EVOS analyst na si Neil “Midnight” De Guzman sa YouTube, sinabi ng Blacklist International head coach na si Kristoffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza na RSG PH ang magwawagi ng championship sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH Season 9).

BON CHAN nagpahayag ng opinyon sa vlog ni Midnight

BON CHAN Midnight
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang M3 world champion coach ay sumaghot ng 12 tanong tungkol sa Blacklist International, sa kanyang mga players, at sa kabuuan ng liga sa vlog.

Sa isa sa mga katanungan, hiningi ang kanyang palagay sa kung sinong team ang sa tingin niyang mananalo sa season na ito. Sandaling napatigil si BON CHAN, at nagbigay ng kanyang sagot.

“Based sa mga naka-scrim namin, ang magcha-champion ngayon ay RSG PH,” pahayag ng coach.

Ang RSG PH, na hawak ng beteranong coach na si Brian “Panda” Lim, ay nanguna sa regular standing na may 11-3 win-lose record, kung saan naipanalo nila ang 23 sa kanilang 32 games. Ang team ay pinamumunuan ni Dylan “Light” Catipon, na nakakuha ng most valuable player award sa regular season.

Ang pagbabalik ng V33Wise duo sa MPL PH Season 10

MPL PH S9 Blacklist International
Credit: MPL Philippines

May ilan ring mga paksa na napag-usapan sa vlog, tulad ng magbabalik ba sa susunod na season ang V33Wise duo nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie “Wise” Del Rosario.

“Hindi ko rin talaga sure eh,” sabi niya. “Hintayin na lang natin desisyon nila.”

Sinabi rin niya na kung meron siyang team na gustong i-coach sa season an ito maliban sa Blacklist International, ito ay ang TNC.

“Wala akong masasabing star player sa kanila, pero nagsha-shine sila sa kanya-kanya nilang role,” pahayag ni BON CHAN.

Mapapnood ang kabuuan ng video sa ibaba:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.