Hindi itinago ng Blacklist International Coach na si Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza ang kaniyang saloobin tungkol sa patuloy na pagbabatikos na natatanggap ng mga players at koponan na kalahok sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9.


Umapela si BON CHAN sa fans

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa interview matapos ang upset kontra RSG Philippines, ibinahagi ni Coach BON CHAN ang epekto ng ekspektasyon ng mga fans sa koponan lalo pa’t malayo ang kanilang performance ngayong season kumpara sa mga nakalipas nilang kampanya. Kasabay ito ng kaniyang apela sa mga fans sa liga.

“Sobrang laki ng expectation nila samen na to the point na matalo lang kami ng isang beses, andaming ng sasabihin which is para sa aken, sana maging wakeup call sa ML community na hindi lang para sa amin, pero para din sa ibang players na sila ay nasa taas at sila ay nanalo, doon niyo lang sina sinasamahan,” ani ng dekoradong coach.

Hiling din ng BON CHAN na patuloy na suportahan ng fans ang kanilang paboritong players at teams kahit pa nasa losing end ang mga ito. “Kasi napapansin ko, may matatalo na isang player na sikat and then kung anu-ano na ang sasabihin. Hindi nila naaalala na sobrang daming magandang nagawa ng player na iyon to the point na isang daang beses siyang nanalo pero ang napansin nila ay yung dalawang pagkatalo na sobrang kung anu-ano agad ang nasabe.”


Pagpapahiwatig ito ng M3 World Champion Coach sa naganap noong Week 3 noong inulan ng batikos si John Paul “H2wo” Salonga sa kaniyang hindi magandang performance kontra Smart Omega na ipinuntong dahilan ng mga miron kung bakit nahulog sila sa 1-2 pagkatalo. Kasunod nito, ikinumpara din ang star jungler sa rookie substitute niya na si Michael “MP The King” Endino na nagpapakitang-gilas ngayong season.

Pagbubuod ng Coach BON CHAN, “So samahan din natin yung mga idolo natin sa down, at pagkatalo, hindi yun andoon lang tayo pag nanalo sila. Tayo din mismo ang magiging dahilan para lalo silang ma-down at di na makabangon. Di ba idol natin sila, dapat i-cheer pa natin sila.”

Credit: ONE Esports PH

Kasulukuyang may 14 points sapat para sa 6th place sa standings ang Blacklist International matapos nakawin ang 2-1 match score kontra numero unong RSG PH. Paglalabanan nila ng karibal na Smart Omega na kasukuyang 7th place at may 13 points ang huling playoff spot sa regular season closer.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL Philippines.

BASAHIN: SDzyz pinatunayang siya ang ‘Retri God’ ng MPL PH S9 sa panalo ng TNC kontra ONIC