Sumali si Jabran “Branz” Bagus Wiloko sa EVOS Icon at nakikita ito bilang isa sa pinakamalaking transfer sa professional Mobile Legends scene ng Indonesia sa kasalukuyan. Mas espesyal ito lalo pa’t bali-balita ang pagpasok ng Pinoy players sa MPL ID Season 10.

Matagal nawala ang 21-year-old gold laner sa competitive scene. Dalawang season siyang hindi nakita matapos i-release ng Bigetron Alpha noong nakaraang taon at walang balita patungkol sa kanya sa mga panahong ito.

Hanggang sa ianunsyo ng EVOS Esports si Branz bilang bagong player nila. Ngunit hindi siya nilagay sa main team ng kanilang MLBB division na EVOS Legends, kundi sa kanilang Mobile Legends Development League (MDL) ID squad na EVOS Icon para sa darating na Season 6 ng liga.

Credit: EVOS

Sa pagsali niya sa EVOS Icon, nakasama niya ulit ang dati niyang BTR teammate na si Rachmad “DreamS” Wahyudi. Inaasahang gagabayan ng dalawang beteranong manlalaro ng mga wonderkids na sina Adriansyah “Claw Kun” Baihaqi, Arthur “Sutsujin” Sunarkho, Rizqi “Saykots” Damank at Dalvin “Hijumee” Ramadhan.

Ang tanong ngayon ng fans, bakit nasa MDL squad si Branz? Bakit hindi agad siya nilagay sa EVOS Legends lineup gayong nagsasagawa ng malaking transformation ang koponan?


May dahilan ang pagsali ni Branz sa EVOS Icon

Branz
Credit: EVOS

Maraming haka-haka sa pagsali ni Branz sa EVOS Icon. Una na rito ang pag-warm up niya dahil matagal siyang nawala sa competitive scene.

Pwedeng mag-promote ang MPL teams ng kanilang MDL players, kabilang si Branz, hanggang week 6. Kaya naman bukas ang oportunidad na ma-promote siya sa EVOS Legends.

Sa isang report ng Spin Esports, inilahad ni Branz na nakatanggap siya ng offers mula sa ibang mga koponan pero sa huli ay EVOS ang napili niya.

“There are actually several teams that have also given offers even since last season, but from a few considerations of many factors, I think EVOS is better,” paliwanag ng manlalarong tubong Yogyakarta.

Maganda ang ipinakitang laro ni Brazn sa H3RO MLBB Tournament na sinalihan ng EVOS Icon at pwedeng maging proving ground niya ito bago magsimula ang MDL ID.

Para sa MLBB at MPL updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines Facebook page.


Pagsasalin ito ng akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.