Lumitaw ang tanong patungkol sa pagkakaiba ng longtime standout Gustian “REKT” at newcomer Rachmad “DreamS” Wahyudi bilang mga roamer ng EVOS Legends sa Mobile Legends: Bang Bang competitive scene ng Indonesia.
Ito’y matapos ang unang laro ni DreamS sa Week 2 ng MPL Indonesia Season 9 kung saan nilagay siya ni M1 world champion coach Bjorn “Zeys” Ong sa starting lineup.
Matagal na hindi nakapaglaro si DreamS sa MPL ID mula noong maging mainstay siya ng Bigetron Alpha sa Season 3 at Season 4, at bumaba sa Bigetron Beta sa MDL pagkatapos siyang palitan ni Hengky “Kyy” Kurniawan.
Isa si DreamS sa surprise transfers ng EVOS Legends ngayong season

Nakakabigla ang pag-recruit ng EVOS Legends kay DreamS dahil marami nang roamers ang koponan sa anyo nila REKT, LJ, Panser at Bajan. Kaya naman siguradon na mayroong mga rason kung bakit siya kinuha ni Zeys at isa na rito ang kanyang karanasan na hindi pwedeng i-underestimate lang.
Ngunit ang naging tanong, kaya bang makuha ni DreamS ang tiwala ni Zeys gaya ng nagawa na ni REKT? At kamakailan lang ay malinaw nang nasagot ito ng oo.
Pinatunayan ng former Bigetron star na karapat-dapat siyang pamalit kay REKT sa pamamagitan ng kanyang solidong performance gamit ang Lolita at Mathilda upang matulungan ang EVOS na mawalis ang Geek Fam ID sa iskor na 2-0.
Dahil dito, ‘di malabo na magkaroon ng mas maraming playing time si DreamS lalo na’t napapabalita na makakasama muli si REKT sa Indonesian MLBB squad para sa darating na Southeast Asian Games 2022.
Parte si REKT ng Indonesian team na nakakuha ang silver medal matapos matalo sa kamay ng Philippine SIBOL MLBB squad sa SEA Games 2019.
Isa pang maaaring dahilan ang iniinda ni REKT na cubital tunnel syndrome, isang injury sa kamay.
Ano nga ba ang pagkakaiba nila DreamS at REKT?

Alam ng mga solid fans ng MPL Indonesia na magkaiba ang gameplay ng dalawang roamers na ito.
Si REKT ay isang player na mahilig guluhin at i-zone out ang kanyang mga kalaban. Bukod dito, nahihiligan din ng EVOS Legends captain ang pag-pick ng healers sa mga matches niya kamakailan.
Sa kabilang banda, si DreamS ay isang roamer na mas gusto ang pag-protekta sa kanyang mga kakampi. Hindi siya makulit tulad ni REKT o ni LJ pero matalas ang kanyang map awareness at alam niya kung ano ang kailangan ng koponan sa isang laro.
Siguradong mararamdaman ng core players ng EVOS Legends na ligtas sila ‘pag kasama nila si DreamS.
Hango ito sa artikulo ng ONE Esports Indonesia.