Ang Calamity Reaper ay isang natatanging magic item sa Mobile Legends: Bang Bang. Bagamat sobrang bihira lang ito ma-buff at ma-nerf, hindi ito madalas gamitin para sa mga mage hero sa laro.

Sa halagang 1,950 gold, ang item na ito ay nagbibigay ng +70 magic power, +100 mana, +6 mana regen at 10% cooldown reduction.

Ang unique passive ability nito na Calamity ay nagbibigay ng additional true damage sa iyong basic attack na katumbas ng 120% ng iyong Magic Power sa loob ng tatlong segundo matapos gumamit ng skill. Kapag nagamit ang passive ability na ‘to, magkakaroon ka rin ng additional 10% movement speed nang ilang segundo.

Credit: Moonton

Kung susuriin, swak ito sa mga mage tulad nila Gusion, Selena, Aamon, Julian, Karina at iba pa na mahilig gumamit ng skill combos at basic attacks.

Pero para sa beteranong manlalaro ng RRQ Hoshi na si Muhammad “Lemon” Ikhsan, ginagamit niya rin ang Calamity Reaper sa mga mage na hindi masyadong nagre-rely sa basic attacks.


Mahilig si Lemon gumamit ng Calamity Reaper sa mage heroes na karaniwang hindi binibilhan nito

Credit: ONE Esports

Sa isang content sa kanyang YouTube channel, gumamit si Lemon ng Calamity Reaper sa mga hero tulad nila Kagura, Vexana at kahit si Faramis. Maging sila Lylia at Yve ay binilhan niya rin ng item na ito.

Ipinapakita lang nito na ang basic attacks mula sa mga mage na kahit ‘di masyadong dumedepende sa ganitong atake ay pwede pa ring magkaroon ng malaking impact dahil sa naturang magic item.



Susubukan mo na rin ba ‘to? O sa tingin mo ay mas epektibo talaga ang Calamity Reaper sa basic attack-based mages? Kung ita-try mo, sa classic o brawl lang muna siguro.

Para sa MLBB news, guides at highlights, i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.