Mukhang nagbunga naman ang muli’t-muling paggamit ng Irithel ni RRQ Lemon sa ranked games ng ilabas niya ito sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).

Mababalikan na noong binigyan ng boost ang hero sa MLBB patch. 1.6.84, nanguna ang RRQ veteran sa pag-test out kung ano ang epekto ng update sa hero. Ani pa nga niya sa isa niyang video sa YouTube, imbalanced daw ang damage ng marksman.

Credit: Moonton

Sa MSC 2022 match nila kontra EVOS SG, ipinamalas ng Irithel ni RRQ Lemon ang nagbabalik na bangis ng marksman. Sa nasabing bakbakan, nagawa ng beterano na makaiskor ng Maniac hawak ang hero.


Irithel ni RRQ Lemon sumiklab sa Game 1 kontra EVOS SG

Sa unang araw ng playoffs, hinarap ng RRQ Hoshi ang MPL PSG Season 3 runner ups na EVOS SG.

Nakuha ng RRQ Hoshi ang first place sa Group C matapos ang magilas na maniobra kontra Smart Omega at IDONOTSLEEP. Samantala, nakuha naman ng EVOS SG ang second place sa Group Stage matapos mawalis ng Orange Esports sa second day.

Credit: MSC

Agad na umarangkada ang RRQ hoshi sa unang mapa ng serye. Sa ika-18 minuto ng laro, natagpuan ng parehong teams ang kanilang mga sarili sa red-side jungle kung saan nag-abang sila ng opening para sa teamfight. 

Habang hinihila ng Atlas ni  Akihiro “JPL” Furusawa ang blue buff, pinakawalan agad ng Lancelot ni Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar ang Phantom Execution para manakaw ito. Ito ang naging go signal para sa RRQ Hoshi na buksan ang late game salpukan.

Pagakatapos bumagsak ni JPL, swak ang blind hook ng Franco ni Calvin “VYN” sa Grock ni Du Jing Yun “Nick” Nicklaus sa bush. Dito in-active ng Irithel ni RRQ Lemon ang kaniyang ultimate na Heavy Crossbow para sunugin ang mga miyembro ng EVOS SG na lumabas na sa field of view.

Sa masikip na jungle area, swabe ang naging epekto ng Windtalker na first item ng Indonesian gold laner. Bumanda muli’t-muli ang basic attacks ng Irithel ni RRQ Lemon na nagdulot ng pagkaubos ng HP ng EVOS SG members. Maganda rin ang posisyon ng marksman hero sa nasabing skirmish dahil halos full HP siya ng natapos ang team fight kung saan nakuha niya ang Maniac.

Dahil sa momentum mula sa unang mapa, nagawang mapagtagumpayan ng RRQ Hoshi ang serye, 2-1 para umabante sa upper bracket. Ginawaran ng MVP gantimpala si Lemon sa Game 1, kung saan naglista siya ng malinis na  6/0/6 KDA.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Viral sa Tiktok ang ‘big boy move’ ni Kelra matapos ang MSC 2022 Group Stage bakbakan kontra RRQ Hoshi