Ibayong paghahanda ang ginagawa ng ECHO para sa MPL Invitational 2021 (MPLI 2021).
Ito ang inamin ng kanilang head coach na si Michael “Arcadia” Bocado sa isang panayam kasama ang ONE Esports ukol sa paparating na turneo kung saan tampok ang US$100,000, o higit PHP₱5 milyon, na prize pool.
“Since this is a huge tournament, we’re putting up a lot of hard work and sacrifice for this tournament, so expect us to give our best in all of our matches, and even in our preparations,” sagot ni Coach Arcadia nang tanungin tungkol sa paghahanda ng ECHO para sa MPLI 2021.
Alter Ego, Blacklist International, nais makaharap ni Coach Arcadia sa MPLI 2021
Isa ang ECHO sa anim na koponan mula sa MLBB Professional League Philippines Season 8 na lalahok sa nasabing turneo. Pero bukod sa mga madalas nilang makadaupang-palad sa bansa, tampok din sa patimpalak ang mga koponan mula Cambodia, Malaysia, Singapore, at Indonesia.
Kaya naman doble ang pagsisikap ngayon nina Coach Arcadia para mapag-aralan ang mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa.
“… Since many countries are involved, we have to deeply understand their meta. We’ll also do our normal routine of studying our opponents,” ika niya.

Partikular ang Alter Ego mula Indonesia sa mga koponang gusto nilang makalaban sa MPLI 2021. Tinapos ng mga ito ang kanilang kampanya sa ikawalong season ng MPL ID sa ikatlong puwesto matapos mabigo kontra kampeon na ONIC Esports.
“Well the good thing about these other countries are they are already stepping up and the competition is getting fiercer. I’m actually excited to compete with them, and you know, see their new meta and strategy in this coming tournament,” paliwanag ni Coach Arcadia.

Para naman sa mga kapwa nila Pinoy teams, karangalan daw para sa batikang coach ang makaharap ang back-to-back MPL PH champion na Blacklist International sa nasabing international tournament.
“Well, the top-ranking team in the Philippines right now is Blacklist International, so it would be an honor to go up against them, and hopefully, break the code,” dagdag niya.
Paano kinokondisyon ni Coach Arcadia ang mga manlalaro ng ECHO

Importante raw, ayon kay Coach Arcadia, na nasa tamang mindset ang buong koponan sa tuwing sasabak sila sa mga high-pressure tournament gaya na lang ng paparating na MPLI 2021.
“It’s all about mind-setting before the match, or days before the matches, and the actual match itself. You have to align your mindset before going to a match. It’s a part of the preparation,” ayon sa kanya.
Sa hindi maiiwasang pagkakataon na nakakaranas sila ng pagkatalo, parati raw niya pinapaalala sa mga player na bahagi ng proseso ang pagkabigo, “… Before you succeed, you have to lose and it’s also [about] setting expectations. In esports, we know that it’s very competitive, but we also need to be realistic that losing can sometimes happen and we need to face it.”
Hindi naging biro ang naging paglalakbay ng ECHO sa nagdaang MPL PH Season 8. Ilang beses silang napilitang magpalit ng lineup matapos mag-positive sa COVID-19 ang ilan sa kanilang manlalaro.
Pero sa kabila nito, naka-abante pa rin ang koponan sa playoffs matapos distpatsahin ang Bren Esports.
“… Regarding the last Regular Season series, we just had to remain calm and align our mindset in order to book our spot in the playoffs,” kuwento ni Coach Arcadia.
Kaya bago muling sumabak sa turneo, ibinahagi ni Coach Arcadia ang parati niyang paalala sa kanyang mga manlalaro:
“Whatever the results that we get to any tournament, I always tell them that I’m proud of them because I know that they give their best in every match.
Nakatakdang ganapin ang MPLI 2021 simula ikalawa hanggang ikapito ng Nobyembre. Masusubaybayan ang bakbakan sa opisyal na Facebook, TikTok, Twitch, Twitter, at YouTube ng ONE Esports.
BASAHIN: Nakuha ng GPX Ladies ang record para sa pinakamatagal na pro MLBB match sa 56 minutes