Isa si Brian “Coach Panda” Lim sa matatawag nang “OG” sa MPL Philippines. Pero sa tinagal-tagal ng beteranong coach sa liga, wala umanong katulad ang RSG PH sa mga koponang nahawakan niya.

Paglalahad ni Coach Panda, may malalim na koneksyon siya sa kanyang mga manlalaro ngayon.


Ibinahagi ni Coach Panda ang espesyal na koneksyon niya sa RSG players

Coach Panda at RSG PH
Credit: RSG PH

Marami nang naging karanasan si Coach Panda sa MPL PH mula noong pumasok siya dito bilang manlalaro noong Season 2 at mag-transition sa coaching sa sumunod na season.

Ginabayan niya ang ArkAngel patungo sa kampeonato sa Season 3 ngunit nag-disband ito matapos ang malamyang performance sa Season 4. Nag-disband din ang kanyang koponan na Laus Playbook Esports na tinulungan niyang makapasok sa liga sa pamamagitan ng qualifiers noong Season 7.

Ang RSG PH na ang ikatlong koponan ng SEA Games gold medal winning coach sa liga at ayon sa kanya ay iba ito sa mga dati niyang nahawakan.

“I always have this thought that, ‘Just keep on playing together then we’ll get the championship.’ This team is an example of that. We started in Season 8 together. And now in Season 9, we matured,” saad niya matapos ang kanilang 3-0 sweep kontra ONIC PH upang makapasok sa upper bracket finals.

Credit: MPL Philippines

Bagamat napipisil ang RSG na maghari sa MPL PH Season 9 at irepresenta ang bansa sa darating na Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) 2022, handa umano si Coach Panda na pumalya dahil alam niyang hindi siya pababayaan ng kanyang mga manlalaro.

“Masarap talaga if we win the championship this season and then we go to the MSC. It will be a happy story. But my mindset is I’m always ready to lose,” ani niya.

“I’m always ready to lose. I’m always ready to go to the lower bracket or not win the championship. Of course, it will not be okay for me but I have that mindset. Because I feel this team is like, if I fail, I feel this team will carry me.”

Inihalintulad pa nga ng Korean MLBB tactician ang espesyal na koneksyon niya sa kanyang RSG players sa sikat na Ninja Turtles meme.

Credit: Meming Wiki

“This team is the perfect (example) of that meme where even though I mess up in the draft, which they always say I do, or even though I make mistakes, this team is always ready to play their own game, their A-game. And I’m very grateful for that.”

“So it’s not only me leading the team, but all these players are leading me also.”


Babanggain ng RSG ang TNC Pro Team sa best-of-five upper bracket finals kung saan nakataya ang unang tiket papunta sa MSC 2022. Gaganapin ito mamaya sa ikapito ng gabi.

Sundan ang mga kaganapan sa MPL PH Season 9 playoffs sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.