Nagsimula na ang bagong season ng MPL. Upang ipagdiwang ito, inilabas ng Moonton ang exclusive MPL skin para sa season na ito – ang Cyber Ranger Jawhead.
Ito ang pang-apat na MPL skin sa Mobile Legends: Bang Bang pagkatapos ng Wind Fairy Nana, E-Girl Wanwan, and Dream Groove Mathilda.
Ito rin ang ikapitong sking ng hero pagkatapos ng after Girl Scout, Space Explorer, Foo Quarterback, The Nutcracker, Samurai Mech, and Candy Bear.
Hindi tulad ng kanyang default skin kung saan luma at kalawangin ang armor ni Jawhead, ang Cyber Ranger Jawhead ay may sassy orange at white na paint job para sa armor ng robot. Malaking pagbabago rin ang ginawa sa kanyang face armor, kung saan mas mukha siyang nakakatakot sa laban.
Preview ng Cyber Ranger Jawhead skin at mga skill effects nito

Hindi lang si Jawhead ang nakatanggap ng makeover. Maging si Ailee, ang batang babae na nakasakay sa Steel Sweetheart, ay nagmukhang mas cute. Meron siyang suot na orange sunglasses at nakakatuwang cat ears, at hindi na siya mukhang takot ngayon, hindi gaya ng mga nakaraang skins.

Para naman sa skills ni Jawhead, naglalabas siya ng orange rockets bilang sa kanyang Smart Missiles. Sa tuwing ginagamit ni Jawhead ang Ejector, nag-iiwan siya ng pink na bakas at may umiilaw na bilog sa paligid niya habang siya ay gumagalaw.

Ang kanyang ultimate, Unstoppable Force, ang dahilan kung bakit astig ang skin na ito. Sa tuwing susugod siya sa kalaban, lumalabas sa lupa ang official logo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League. May mga naglalakihan ding arrows na pumapalibot sa kanya habang binabangga niya ang mga kalaban.
Ang exclusive skin ay available na sa in-game store sa halagang 749 diamonds.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.