Kung i-rarank ang mga koponan na talagang nagpasabog sa nakalipas na season, sigurado na ang ECHO ang mangingibabaw sa listahan. Ibang klase ang atake na ipinakita ng ECHO sa MPL PH S9 regular season kung kaya’t panay ang paglabas nila sa highlight reel kada-linggo.
Ngunit hindi lamang highlight plays ang dahilan kung bakit inantabayanan ang koponan ni Michael “Coach Arcadia” Bocado. Kasabay ng pag-istilo nila sa mga kalaban, ay matagumpay nilang na-convert ang kanilang dominanteng playstyle sa mga panalo na nagtulak sa kanila para bansagang Super Team ng MPL.
Tinawag na Super Team ang ECHO sa MPL PH S9

Hindi binigo nina Karl “KarlTzy” Nepomuceno, Tristan “Yawi” Cabrera at Frediemar “3MarTzy” Serafico ang mga mga miron ng sumanib sila sa koponan ng ECHO sa MPL PH S9. Kasama ang mga holdovers na sina goldlane superstar Benedict “Bennyqt” Gonzales at Jankurt “KurTzy” Matira, showtime ang naging tema ng bawat larong kinatampukan ng team partikular na sa unang bahagi ng regular season.
Walang naging sagot ang mga koponan kontra ECHO sa unang bahagi ng season. Dala ng pamatay na individual skills ng 5-man kasama pa ng madulas nilang team play, sinindihan nila ang 5-0 win streak na pinakamagandang simula sa mga koponan sa naturang season.
Ito rin ang dahilan kung bakit binansagang Super Team ng MPL ang ECHO. Ngunit hindi lamang sa mechanical skills at macro play sumandal ang team para pagulungin ang eksplosibong simula.

Makamandag din ang strat na isinalang ng ECHO sa MPL PH S9 regular season. Mababalikan na sila ang koponang nagbalik ng two-fighter sidelane setup kung saan may tanky sidelane na pumupronta sa mga teamfights (kung saan nagpapabilib si 3MarTzy), habang damage fighter naman ang ipinapahawak kay Bennyqt para dominahin ang mid game to late game.
Kapalit ng mahusay na simula ay nahulog sa 0-5 bangin ang koponan sa huling bahagi ng kanilang kampanya. Bigo ang team na makuha ang 1st place sa standings matapos magkakasunod na biguin ng RSG Philippines, ONIC Philippines, Bren Esports, TNC Pro Team ML at Nexplay EVOS.
Nagtala ng desenteng 8-6 record ang ECHO sa MPL PH S9 regular season, sapat para maging 3rd place sa standings.
Mga resulta ng kampanya ng ECHO sa MPL PH S9 regular season

Heto ang mga naging laban at mga resulta ng sa first half ng ECHO sa MPL PH S9 regular season.
| KALABAN | ISKOR |
| BREN | 2-0 |
| OMG | 2-0 |
| TNC | 2-1 |
| BLCK | 2-0 |
| RSG PH | 2-0 |
| ONIC PH | 1-2 |
| NXPE | *2-0 |
* Nanalo by default ang ECHO matapos mabigong makarating ang Nexplay EVOS bago ang itinakdang oras ng laban.
Heto naman ang naging resulta ng huling bahagi ng season para sa ECHO.
| KALABAN | ISKOR |
| BREN | 0-2 |
| OMG | 2-0 |
| TNC | 1-2 |
| BLCK | 2-0 |
| RSG PH | 0-2 |
| ONIC PH | 1-2 |
| NXPE | 0-2 |
Stats ng ECHO sa MPL PH S9 regular season

Sa pinakahuling datos mula MPL, mataas pa rin ang ranggo ng koponan sa mga key stats na mayroon ang liga. Sa katunayan, 2nd ang koponan sa total kills at assists. Ibig sabihin nito ay talagang nakasentro ang ECHO na kumuha ng pick offs bago simulan ang kanilang objective takes.
Taliwas naman ang mga numero sa stats na Towers Destroyed, Lord Kills at Tortoise Kills. Panglima lamang ang koponan sa bilang ng Lord takes at nabasag ng mga tore, habang pangpito naman sila sa Turtles na napatay. Mula rito, makikitang hindi early game objective ang habol ng team na kaagapay na rin ng kanilang hero kills- centered atake.
Bubuksan ng ECHO ang MPL PH Season 9 playoffs kontra Smart Omega sa April 28.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa latest tungkol sa MPL PH.
BASAHIN: Dahil sa bagong MPL PH playoffs format, RSG PH at ECHO ang magdidikta sa matchups