Nakatuon ang pansin ng mga miron sa gaganaping ECHO vs TNC banggan sa Week 6 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH Season 9) regular season.

Susubukan ng number 1 team ECHO na palawigin ang kanilang kalamangan sa regular season standings, habang ang TNC Pro Team ML naman ay tatangkaing lampasan ang malulupit na katunggali dala ang nagbabagang momentum mula Week 5.


ECHO vs TNC: Ano ang sinasabi ng stats?

Credit: MPL Philippines

Inaasahan na magiging dikdikan ang labanang ECHO vs TNC dahil matagumpay ang kanilang biyahe mula Week 5 na nagdala sa kanila sa Top 1 at Top 2 spots sa rankings.

Bagamat napurnada ng Bren Esports ang kanilang record bilang bukod-tanging team na hindi natalo sa pamamagitan ng sweep, ay agad namang bumwelta ang ECHO na ibinaling ang pait kontra Smart Omega. Dahilan ito kung bakit may 21 total points ang koponan ni Coach Michael “Arcadia” Bocado.

Sa kabilang banda, dalawang 2-1 victories naman ang ginamit ng TNC sa Week 5 para bumulusok papunta sa 2nd place ng regular season rankings. Susubukang sumandal ang Phoenix Army sa nakuha nilang momentum galing sa mga panalo kontra Blacklist International at Smart Omega para mapatumba ang kalabang “Super Team”.

ECHO vs TNCECHOTNC
S9 Win Rate(Game)77.22%65.22%
History win/lose with each other (Since S8) (Games won by each team)62
First Blood Count1611
Team Damage/Min1213610463
KDA Average5.023.43
Ave. Kills/Game16.2810.09
Lords Slain/Game1.441.7
Turles Slain/Game1.222

Pinakapansin ang laki ng kalamangan ng ECHO sa First Blood Count, Team Damage/Min at Average Kills/Game dala na rin ng kanilang aggressive plays at team fight capability. Habang ang TNC naman ay lamang sa Lords Slain/Game at Turtles Slain/Game na nangangahulugang objective-taking ang sentro ng laro ng koponan.

Credit: MPL Philippines

May punto rin ang stats kung papansinin ang mga players na mayroon ang magkalabang team. Katatampukan sa ECHO vs TNC matchup ang harapan ng dalawang batikang roamers na sina Tristan “YAWI” Cabrera at Ben “Benthings” Maglaque.


Yawi at Benthings, magtatapat sa ECHO vs TNC star match

Credit: MPL Philippines

Kilalang aggressive tank player si YAWI na magaling kumuha ng mga risk plays para makagawa para sa kaniyang team. Sa kabilang panig naman, muli’t-muling pinapatunayan ni Benthings ang kaniyang husay sa mga setup plays kasabay ng kabatiran sa timings at power spike ng kaniyang mga kakampi para sa mas malaking tiyansa na makuha ang momentum ng laro.

NameBenthingsYAWI
KDA3.293.92
Hero DMG/Gold189.00%224.00%
Teamfight Participation63.79%68.26%
Hero Pool99

Konti lamang ang kalamangan ni YAWI pagdating sa KDA at Teamfight Participation, ngunit lamang ang ECHO roamer ng 35% sa larangan ng Hero Damage/ Gold. Ibig sabihin, mas malaking parte ang ginagampanan ni YAWI bilang damager at mas malaki rin ang kaniyang economy sa daloy ng laro.

Gayunpaman, hindi maitatanggi na si Benthings ang isa sa mga players ngayong season na kayang bumaliktad ng tadhana ng laro. Kahit pa si Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza ng mala-alamat na Blacklist International ay napahanga ng TNC roamer ngayong season, kung saan tinawag siya bilang “New Lusty” ng dekoradong coach.

Gugulong ang bakbakang ECHO vs TNC ngayong March 26, 4 P.M.

Sundan ang pinakahuling balita sa MPL sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Bangis ng Lancelot ni KarlTzy nagbabalik na matapos itala ang 2nd savage sa MPL PH S9