Pinatumba ng EVOS Legends ang “El Clasico” rival nito na RRQ Hoshi sa pamamagitan ng isang matamis na 2-1 reverse sweep sa Week 3 ng MPL Indonesia Season 9.

Espesyal ang panalong ito para sa EVOS Legends dahil sa season debut ni three-time MPL ID champion Muhammad “Lemon” Ikhsan para sa “King of kings” ngayong season.

Bagamat medyo matagal nawala si Lemon sa MLBB competitive scene matapos magpahinga ng isang season, nandun pa rin ang tikas ng tinaguriang “Alien” nang pangunahan niya gamit si Wanwan ang 18-minute victory ng RRQ Hoshi sa Game 1.

Credit: RRQ

Gumati siya ng Lylia at Miya sa mga sumunod na laro at disente rin naman ang naging performance niya. Subalit hindi lang talaga swabe ang hero composition ng RRQ ‘di tulad ng sa unang laro kaya naman nahirapan silang manalo.

Sa kabila ng pagbabalik ni Lemon, hindi nasurpresa ang EVOS Legends.

Ayon sa kanilang manager na Aji “SOA” Wicaksono, hinanda nang mabuti ng kanilang coach ang koponan maglaro man o hindi si Lemon.


Walang special strategy na hinanda ang EVOS Legends para kay Lemon

Credit: ONE Esports

Matagumpay ang naging paghahanda ng EVOS Legends para sa El Clasico dahil nakontra nila nang maayos ang stratehiya at gameplay ng RRQ Hoshi.

Hindi nabigla ang EVOS sa unorthodox Fanny pick ni RRQ jungler Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar sa Game 1 at 3 maging sa mga posibleng hero picks ng versatile veteran na si Lemon.

Walang binago ang M1 world champion at two-time MPL ID-winning squad sa kanilang mga plano kahit pa nalaman na nila na maglalaro si Lemon. Hindi sila naghanda ng partikular na stratehiya para sa kanya at nag-focus sa overall game ng RRQ.

“There’s really no special treatment from us to deal with Lemon. Because in our opinion, RRQ Hoshi with Lemon or not, they will remain the same,” wika ni EVOS SOA.

Kitang-kita naman na naging epektibo ang atake na ito ng EVOS kaya naman umangat ang kanilang kartada sa 3-2 at nanatili sa loob ng top four sa standings matapos ang tatlong linggong labanan sa MPL ID Season 9.

https://youtu.be/vmF72z7OvcU?t=21086

Maaari niyong mabasa ang orihinal na artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.