Nagbigay ng prediction ang dalawang dating EVOS Legends players at ngayo’y content creators na sina Oura at Donkey sa kung anong role ang lalaruin ni RRQ Lemon sa kanyang pagbabalik sa MPL ID Season 9.

Matatandaang muling naging parte ng opisyal na roster ng RRQ Hoshi si Lemon matapos ang mahaba-habang pahinga.

Kapanapanabik ang muling pagtapak sa Land of Dawn ng manlalarong binsagang Alien. Kaso nga lang, hindi pa rin siya inilalabas ng kanyang koponan kahit dalawang linggo na ang lumipas sa regular season ng liga.

Kaya naman naging mainit na talakayan kung anong role ang lalaruin ni RRQ Lemon, at hindi nagpahuli sa usapan sina Oura at Donkey.

Excited ang dalawang beterano, na matatandaang naghatid ng kampeonato sa EVOS Legends mula sa M1 World Championship, sa pagbabalik ni Alien, lalo na’t matapos paglaruin ng RRQ Hoshi sina Aether, Violence, at Yummy kontra ONIC Esports.

Inamin ito nina Oura at Donkey noong laban ng RRQ Hoshi at Bigetron Alpha. Sa katunayan, pinag-usapan din nila kung anong role ang lalaruin ni RRQ Lemon sa kanyang comeback game.


Anong role ang lalaruin ni RRQ Lemon para sa RRQ Hoshi sa MPL ID S9?

Anong role ang lalaruin ni RRQ Lemon sa kanyang comeback game? Narito ang prediction nina Oura at Donkey
Credit: RRQ Hoshi

Base sa impormasyong ibinahagi ng CEO ng RRQ na si Andrian Pauline bago magsimula ang gumugulong na season, gold laner daw ang role na pupunan ni Lemon. Kahalinhinan ni Alien sa nasabing role si Skylar.

Pero bilang isang batikang professional player, tiyak na kayang punan ni Lemon ang lahat ng role. Kaya naman naging pala-isipan kung anong role na ba ang lalaruin ni Lemon, lalo na’t gumagaling pa lalo si Skylar bilang gold laner.

Sa kabila nito, naniniwala sina Oura at Donkey na ang role na dapat laruin ni Lemon ay midlaner.

“Kalau menurut saya role-nya (Lemon) bakal lebih ke arah midlane, EXP lane,” ani Oura.

(Sa palagay ko, mas malamang na mid lane o EXP lane ang role na lalaruin in Lemon.)

Sinangayunan ito ni Donkey, bagamat mas naniniwala siyang maglalaro rin kalaunan si Lemon bilang goldlaner. Dagdag nito, nagbigay din siya ng detalye tungkol sa mga hero na maaaring laruin ni Lemon bilang midlaner.

“Menurut saya kalau dia jadi midlaner, hero-heronya tidak akan seperti Yve gitu. Dia akan memainkan hero-hero seperti Eudora, Aurora, Kagura yang bisa nge-kill dalam satu kombo (skill),” kata Donkey.

(Sa tingin ko, kung maglalaro siya bilang midlaner, ang mga hero niya ay hindi tulad ng Yve. Maglalaro siya bilang Eudora, Aura, o Kagura na kayang makapatay sa isang combo ng skill.)

Bukod sa tuluyang pagbabalik ni Lemon, kaabang-abang din kung tama nga ba ang prediction nina Oura at Donkey.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 posibleng dahilan kung bakit ‘di pa rin pinapalaro si RRQ Lemon sa MPL ID Season 9