Opisyal nang pinakawalan ng Falcon Esports ang kanilang Mobile Legends: Bang Bang roster.

Isa sa pinakatanyag na koponan ang Falcon Esports sa larangan ng propesyunal na eksena ng laro. Ilang beses ding winagayway ng organisasyon ang watawat ng Myanmar sa mga international tournament gaya ng MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) at M4 World Championship.

Ngunit matapos ang kanilang kampanya sa men’s tournament ng MLBB discipline sa ika-32 Southeast Asian Games, kung saan sila ay nag-uwi ng bronze medal, isinapubliko na ng organisasyon ang naturang desisyon.


MLBB team ng Falcon Esports, binuwag na

Falcon Esports namaalam na sa kanilang MLBB roster
Credit: Falcon Esports

Noong 2022 unang naglayag ang koponan mula Myanmar. Malaking balita ang kanilang paglahok sa MSC noon dahil ito ang unang pagkakataon na may kinatawan ang naturang bansa sa isang international MLBB tournament simula noong M2 World Championship, kung saan bumida ang Burmese Ghouls.

Nagtapos ang kampanya ng koponan noon sa ika-apat na puwesto, dinaig pa nila ang ilang pambato mula sa mga bansang may ginaganap na MPL.

Falcon Esports namaalam na sa kanilang MLBB roster
Credit: Moonton

Bumalik ang mga taga-Myanmar noong nagdaang world championship. Tinapos nila ang kanilang kampanya sa 5th-6th place, ang pinakamataas na puwestong nakuha ng isang koponan mula sa bansang walang ginaganap na MPL.

Nagsilbi rin bilang coach ng koponan ang Filipino na si Steven “Dale” Vitug noong kampanya ng Falcon Esports sa M4 World Championship.

Samantala, bigo namang makabalik sa MSC ang koponan matapos nitong matalo kontra Fenix Esports sa Myanmar qualifiers.

Ang MLBB team ng Falcon Esports ay binubuo ng mga sumusunod na manlalaro:

Falcon Esports namaalam na sa kanilang MLBB roster
Credit: Falcon Esports
  • Pyae “JustiN” Khant
  • Min “Naomi” Ko
  • Kyaw “Z1ppy” Bo
  • Min Khant “yellowflash” Hein
  • Pyae “Kenn” Ko
  • Swan “Ruby DD” Aung

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Isang team na may Pinoy ang hindi makakapasok sa playoffs ng MSC 2023