Pilipinas ang bansang may pinakamaraming delegadong ipadadala para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023).

Sa 60 manlalarong bibida sa naturang turneo, 16 dito ay Pinoy. Bukod kasi sa dalawang koponang kumakatawan sa Pilipinas, na ECHO at Blacklist International, kinatatampukan din ng mga Filipino players ang ONIC Esports ng Indonesia, BURN x FLASH ng Cambodia, at Outplay ng North America.

Ang masaklap para sa mga koponang ito ay magkakasama sila sa Group C. Ibig sabihin, isang team na may Pinoy player ang hindi makakatungtong sa playoffs ng MSC 2023.



ONIC, BXF, at OP maglalaglagan sa Group C ng MSC 2023

Isang team na may Pinoy ang hindi makakapasok sa playoffs ng MSC 2023
Credit: Moonton

Dahil sa rules na naitalaga para sa group draw ng international tournament, nagtagpo sa iisang pangkat ang tatlong koponan.

Pinagbibidahan ng tanyag na jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol ang ONIC Esports. Pinalalakas naman ng gold laner na si Mariusz “Donut” Tan ang BURN x FLASH, habang tampok naman ang EXP laner na si Rainiel “URESHIII” Logronio at gold laner na si Peter “Basic” Lozano ang Outplay.

Isang team na may Pinoy ang hindi makakapasok sa playoffs ng MSC 2023
Credit: Moonton

Naka-qualify ang ONIC Esports sa turneo matapos nilang pangibabawan ang MPL Indonesia. Gayundin ang BURN x FLASH na kampeon ng MPL Cambodia. Samantala, nakapasok naman sa MSC 2023 ang Outplay bilang panghalili sa kampeon ng NACT na BloodThirstyKings, matapos nitong mabigong makadalo sa turneo.

Ayon sa format ng group stages, ang koponang makakalikom ng pinakamababang puntos ang mae-eliminate bago ang playoffs, habang makaka-abante naman ang dalawa. Single round-robin na best-of-three ang lahat ng serye dito.

Isang team na may Pinoy ang hindi makakapasok sa playoffs ng MSC 2023
Credit: Moonton

Bukod sa mga manlalaro, tampok din ang ilang Pinoy coaches na magsisilbi para sa mga koponan mula sa ibang bansa. Nariyan si Coach Steve “Dale” Vitug na kinuha ng Outplay, Coach Denver “Yeb” Miranda na dalawang seasons nang tumutulong para sa ONIC Esports, at Coach Mitch “zMitch” Sato ng BURN x FLASH.

Isang team na may Pinoy ang hindi makakapasok sa playoffs ng MSC 2023
Credit: Moonton

Pinoy din ang coach ng MENA representative na Team Occupy, na si Kevin “Ola” Olavere.

Nakatakdang iraos ang group stage ng MSC 2023 simula ika-10 hanggang ika-13 ng Hunyo. Gaganapin ito sa Aeon Mall Chen Chey, sa Phnom Penh, Cambodia.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Coach Dale pamumunuan ang Team Outplay sa MSC 2023