Lumipad papuntang Kuala Lumpur, Malaysia ang Falcon Esports bilang ang tanging koponan na pambato ng Myanmar sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).

12 sa pinakamalalakas na koponan sa buong rehiyon ang nagtatagisan para sa titulong ‘Kings of SEA’. Bagamat ito ang unang beses na nakalahok sa isang turneong ganito kalaki ang Falcon Esports, alam ng buong eksena na hindi sila basta-basta.

Sa eksklusibong panayam ng ONE Esports, ibinahagi ng jungler ng koponan na si Kenneth “Kenn” Hein ang dahilan kung bakit natatangi sila.

Ang bentahe ng Falcon Esports sa MSC 2022 teams

Anong meron ang Falcon Esports na wala ang ibang teams sa MSC 2022? Ito ang sagot ni Kenn
Credit: ONE Esports

Dalawa lang ang koponang nakapasok sa MSC 2022 na hindi mula sa MLBB Professional League (MPL), pero tanging ang Falcon Esports lang ang nakalagpas sa group stage at nakapasok sa playoffs.

Ito pa lang ay sapat nang patunay sa kanilang husay, pero pahiwatig ni Kenn, wala pa sa kalingkingan ang aspetong ito para mailarawan ang kanilang pilosopiya sa paglalaro at kung anong meron sila na wala ang ibang mga kalahok sa turneo.

“For starters, we have a lot of non-meta picks. We have our own meta and we have our own views on how we see the game. We’re not just blindly playing these heroes because we see other teams play,” paliwanag niya.

(Una, marami kaming non-meta picks. May sarili kaming meta at may sarili rin kaming pagtanaw sa laro. Hindi lang namin nilalaro ang mga hero namin dahil nakita namin sa ibang koponan.)

Nakapagpamalas na ng non-meta picks ang koponan matapos nilang makadagit ng panalo kontra RSG Philippines gamit ang Kadita-Johnson combo noong magharap ang dalawa sa unang round ng upper bracket.

Anong meron ang Falcon Esports na wala ang ibang teams sa MSC 2022? Ito ang sagot ni Kenn
Credit: ONE Esports

Binaliktad ng Falcon Esports ang halos 30-minutong laban na pinamunuan ng Raiders. Kahit pa inamin ni Kenn na nakaramdam sila ng matinding pressure habang kalaban ang kampeon ng MPL Philippines, nakatulong ang pagkumbinsi nila sa kanilang mga sarili na kayang-kaya nila manalo.

“Every time we got a small lead, we convince each other that we could win… and eventually, yeah, we could,” pagbabalik-tanaw ni Kenn.

Bagamat hindi na muling pinalampas ang Johnson na minamaneho ni Pyae “JustiN” Sone Khant, ipinabatid naman ng 20-taong-gulang na manlalaro na marami pa silang baon.

“We have a lot of unique picks and I’m hoping that these picks [will] be the thing that gives us an edge over other teams,” dagdag ni Kenn.

(Marami kaming unique picks at sana magsilbing bentahe ang mga ito laban sa ibang mga koponan.)

Ang kwento sa likod ng Kadita-Johnson ng Falcon Esports

Anong meron ang Falcon Esports na wala ang ibang teams sa MSC 2022? Ito ang sagot ni Kenn
Credit: ONE Esports

Natisod ng Falcon Esports ang combo habang nagbababad sa ranked games. Kwento ni Kenn, may nakalaro raw silang Johnson na dumurog sa kanila kaya’t inudyukan niya ang kanyang mga kakampi na i-spam ang hero.

Sa ganitong paraan nga rin daw nila nadiskubre ang ibang mga hero, “… It’s the same thing with Franco actually. We were one of the very first teams that started using Franco in scrims because we enjoy playing certain heroes and sometimes when you spam heroes, your mechanic becomes really good,” dagdag ni Kenn.

(Pareho siya ni Franco eh. Isa kami sa mga naunang teams na gumamit ng Franco sa scrims kasi nakakatuwa gumamit ng ibang hero, tsaka minsan pag nagii-spam ka ng mga hero, gumagaling ‘yung mechanics mo.)

Bagamat inilarawan ng jungler ang paraan ng kanilang paglalaro na pinaghalong Indonesian at Filipino—ang galing ng mga Indonesians pag dating sa micro-han at ang husay ng mga Pinoy sa pagkuha ng objectives—mahalaga rin daw na masaya sila sa mga hero na ginagamit nila.

Anong meron ang Falcon Esports na wala ang ibang teams sa MSC 2022? Ito ang sagot ni Kenn
Photo courtesy of MSC 2022

“We just play what we enjoy in ranked and we bring that to the scrims. If it works out well, we just continue using it.”

(Nilalaro lang namin yung mga natutuwa kaming laruin sa ranked tapos dinadala namin sa scrims. ‘Pag gumana, tsaka namin gagamitin.)

Nakatahi ang kaugalian nilang ito sa pangunahing dahilan kung bakit mahal na mahal nila ang MLBB.

“I like that there’s a lot of heroes and combinations and a lot of things that you can try. I like that there’s not just a certain way to play the game, but there’s like plenty of ways to win it,” sagot ng Falcon Esports player.

(Nakakatuwa na maraming hero at combination at mga bagay na pwedeng subukan. Gusto ko rin na walang isang partikular na paraan kung paano laruin ‘yung laro, pero maraming paraan para manalo.)


Magpapatuloy ang kampanya ng Falcon Esports sa lower bracket ng MSC 2022.

Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kenn ng Falcon Esports, shinoutout ang idol na si KarlTzy matapos ilaglag ang RSG SG sa MSC 2022