Tinalo ng Falcon Esports ang TODAK sa isang best-of-five series sa lower bracket ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).

Tuluyan nang namaalam ang Malaysian team na TODAK matapos itong makatikim ng 3-1 na pagkatalo sa kamay ng Falcon Esports mula Myanmar.

Dominanteng kinuha ng Falcon ang una game ng serye sa score na 30-10 gamit ang nakakabilib na map control. Hindi rin naman nalalayo ang naging resulta ng Game 2 na nagtapos sa score na 27-13 sa ilalim lamang ng 15 minuto.

Pagtungtong ng ikatlong game ay maaga muling kumuha ng kalamangan ang Falcon at nagmukhang mauulit na naman ang kwentong naisulat sa nagdaang dalawang games. Subalit hindi pumayag ang TODAK na basta-basta lamang sila malaglag sa tournament, nagawa nilang baligtarin ang resulta matapos makipagsabayan sa alas ng Myanmar sa bawat team fight. At sa ilalim ng 29 minuto ay kinuha ng Malaysian squad ang Game 3 sa score na 20-17.

Ngunit nanumbalik ang focus ng Falcon sa ikaapat na game ng series, at muling pinatunayan ng team mula sa Myanmar na sila ang nararapat na magpatuloy sa tournament. Kinuha nila ang game 4 sa score na 25-13 at tuluyan nang tinapos ang karera ng TODAK sa MSC 2022, salamat sa Natalia ni Min “Naomi” Ko Ko na tinanghal na MVP na may KDA na 9/3/6.



Ang sikreto sa likod ng chemistry ng Falcon Esports para sa MSC 2022

Falcon Esports MSC 2022
Credit: MSC

Sa isang panayam, ibinahagi ni Pyae Sone “JustiN” Khant kung paano nabuo ang kakaibang pagkakaibigan at chemistry ng Falcon Esports gayong nasa anim na buwan pa lamang silang nagsasama bilang isang team.

Ikinwento ni JustiN na bagama’t bago pa lang ang kanilang team ay matagal na silang magkakasama nina Naomi at Silent, na siyang naging pundasyon ng pagsasama ng grupo. Bukod dito ay lagi rin silang magkakasama ng kanyang team maging sa labas ng game.

“We have been playing this game for 4 years, especially with Naomi and Silent. We’ve been playing together for quite a long time,” sabi ni JustiN. “When we are together, we always do things together, we decide things together. I think that’s what brings out the chemistry in our team.”

Makakalaban ng Falcon Esports ang team na mananalo sa pagitan ng Orange Esports at Omega Esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.