Imbes na panghinaan ng loob, lalo pang ginanahan ang Falcon Esports na tuparin ang kanilang pangarap na iuwi sa Myanmar ang tropeo ng Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) 2022 pagkatapos nilang makalasap ng pagkatalo sa title favorite na RSG PH.

Ito ang naging saloobin ni Falcon coach Sayargyi nang magkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makapanayam siya.


Maraming natutunan ang Falcon Esports sa kanilang laban kontra RSG PH, sabi ni Sayargyi

Falcon Esports
Credit: ONE Esports ID

Nakausap ng ONE Esports ang coach ng kinikilalang dark horse ng MSC 2022 matapos nilang walisin ang RSG SG sa lower bracket first round.

Inamin niya na marami silang nasilip na kahinaan sa kanilang koponan noong padapain sila ng RSG PH sa iskor na 2-1 sa upper bracket first round at agad naman nilang inayos ang mga ito.

“The lesson we learned was to improve in terms of the selection of heroes in the draft pick, because we think there are a lot of mistakes in it. We had fixed this last night,” saad ni Sayargyi.

“We realized we have a long way to go and we will prepare even better,” dagdag niya.

Credit: ONE Esports ID

At sa kabila ng kanilang pagkatalo, nanatiling nakapokus ang Falcon Esports sa kanilang goal at mas ginanahan pa nga na maabot ito.

“Regarding the target, of course we want to take the crown, we want to win the MSC 2022,” ani ng coach.

Kitang-kita ang mabilis na improvement ng Falcon Esports nang harapin nila ang RSG SG. Sa pangunguna ng matinik na roamer na si Min “Naomi” Ko Ko, dinurog ng pambato ng Myanmar ang kasalukuyang kampeon ng MPL Singapore sa pamamagitan ng 3-0 sweep.

Sunod nilang makakaharap ang Todak sa lower bracket quarterfinals sa Biyernes, ika-17 ng Hunyo.

Magawa kaya ng Falcon Esports na makamit ang inaasam na kampeonato sa pinakamalaking MLBB tournament sa Southeast Asia? Malalaman natin ‘yan sa linggong ito.

Pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa MSC 2022.


Salin ito ng artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.