Kinuha ng RSG PH ang panalo sa unang laban ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) playoffs.

Nakaharap ng MPL PH Season 9 champions ang Falcon Esports, ang team na tumalo sa ONIC Esports ng Indonesia sa group stage.

RSG PH kinuha ang Game 1 laban sa Falcon sa MSC 2022 playoffs

RSGPH Demonkite MSC 2022
Credit: Maouie Reyes/ONE Esports

Sa unang laro ng series ay nakakuha ng lamang sa early game ang Falcon, salamat sa Selena ni Pyae Sone “JustiN” Khant. Ngunit sa kabila nito ay nagpamalas ng nakakabilib na resource management ang RSG sa kabila ng kill deficit.

Ngunit sa pagtungtong ng match sa 10-minute mark ay nagsimula nang humabol ang Filipino team. Sa isang team fight kung saan napitas si Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto sa pangunguna ni JustiN, ay nagawa ng MPL PH champs na baligtarin ang sitwasyon para sa isang one-for-three trade, habang bumabasag sa mid lane si Eman “EMANN” Sangco sa isang split push.



Nakita rin ng marami sa 13-minute mark ng unang game ang husay ng Claude ni EMMAN nang walang takot siyang nag-dive papasok sa teritoryo ng kalaban upang pitasin ang Beatrix ni Silent gamit ang Battle Mirror Image to Blazing Duet combo. Ito ang isa sa mga huling plays na sumiguro upang makuha ng RSG PH ang unang game.



Falcon Esports binaligtad ang Game 2

Sa game two naman ay nakuha ni Dylan Aaron “Light” Catipon ang kanyang signature Franco, bagay na nagbigay sa kanila ng maagang lamang. Ngunit sa kabila ng malaking kalamangan ay hindi nagawang tapusin ng mga raiders ang series sa kabila ng ilang beses nilang pagsubok.

Unti-unting nahabol ng Falcon ang lamang, salamat sa Johnson-Kadita tandem nina JustiN at Min “Naomi” Ko Ko. Isang sayaw naman ang naganap sa paligid ng Lord na nagawang makuha ni Kenneth “Kenn” Hein, na sinundan pa ng pagpitas kina Demonkite at Arvie “Aqua” Antonio, ilan sa mga bagay na kinailangan ng Falcon upang kunin ang ikalawang game.



Nakuha ni EMMAN ang Beatrix sa Game 3

RSG PH EMMAN MSC 2022
Credit: Maouie Reyes/ONE Esports

Dahil sa damage na naidulot ng Beatrix ni Silent sa Game 2, minabuti ng RSG na kunin ang hero para kay EMMAN, isang bagay na hindi dapat hinayaan ng Falcon na mangyari..

Matinding disiplina ang ipinakita ng raiders sa huling game ng series upang ma-outplay ang Falcon. Isang magandang halimbawa dito ang pag-counter nila sa conceal play na inihain ng team mula sa Myanmar.



Agad na nasundan ang counter-play na ito at naging susi upang tapusin ng RSG PH ang match sa ilalim ng 13 minuto upang isara ang series 2-1 at magpatuloy sa upper bracket ng playoffs, habang ang Falcon Esports naman ay babagsak sa lower bracket ng tournament.



Susunod na makakalaban ng RSG PH ang MPL MY runner up na Orange Esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.