Una pa lamang lumabas ang Julian sa Mobile Legends: Bang Bang noong patch 1.6.84 ay marami ng nagpalagay na malaki ang potensyal ng hero na isalang sa jungler role. Sa kamay ng isang magilas na player ay delubyo ang kayang maidulot ng jungle Julian sa kalabang team.

Bukod sa high magic damage output na kayang pakalawan ng fighter/mage ay may angkin din itong mobility para maglabas-pasok sa team fights.

Iyan mismo ang ipinamalas ni Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto ng isalang niya ang hero sa laban ng RSG Philippines kontra RSG Singapore sa Group Stages ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).


Jungle Julian ni Demonkite nilapnos ang RSG SG sa Game 2 ng MSC 2022 Group Stages

Credit: MSC 2022

Sa ikalawang mapa kaharap ang katukayong RSG SG, hindi nag-atubili ang MPL Phiippines Season 9 Champions na pakawalan ang bagong hero bilang kanilang first pick sa kanilang tangka na walisin ang Group B.

Hindi binigo ni Demonkite ang mga miron dahil malaking bahagi ang kaniyang jungle Julian sa 18-2 pagbabaon na ginawa ng RSG PH sa mga kampeon ng MPL SG. Sa naturang laban, naglista ang batikang jungler ng malinis na 3/0/6 KDA sa harap ng jungle Akai ni BRAYYY.

Maaga pa lamang ay ipinaramdam na agad ni Demonkite ang bangis ng fighter/mage. Early game rotation sa EXP lane ang nagbigay sa kaniya ng maagang kalamangan sa gold gayundin ang advantage para sa Masha ni Nathanael “Nathzz” Estrologo para makapag-push.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa team fights, ipinamalas ng RSG PH jungler ang dekalibreng kit ng hero para malapnos ang health bars ng mga kalaban, bago tuluyan ng Claude ni Eman “EMANN” Sangco.

Ngunit ang pinakamalaking parte na ginampanan ng jungle Julian ni Demonkite ay ang maselyo ang mga key objectives sa laro. Ni hindi naka-isa ang RSG SG pagdating sa Turtle at Lord objectives.

Malaking tulong ang ginawa ng jungle Julian sa paglista ng 3 turtles slain at 2 lord takes para mapagulong ang snowball ng koponan, bagamat pinipilit i-zone ng Akai at Mathilda ng kalabang team sa mga pagkakataong ito.


Item Build at jungle spell ng jungle Julian ni Demonkite

Credit: Moonton

Pinili ni Demonkite na gumamit ng Ice retribution kasabay ng kaniyang Swift Boots para sa kombinasyon ng movement speed buff at attack speed.

Dahil sa early game dominasyon, pinokus ni Demokite ang pagbuo ng Holy Crystal para mas mapakati ang magic damage output ng kaniyang hero, bukod sa Concentrated Energy at Genius Wand. Epektibo ang item priority ng jungler dahil bago tumuntong ng ika-9 minuto ng laro ay nakalubog na ang RSG SG sa 0-9 bangin.

Mas umigting pa ang damage output ng jungle Julian ng buuan ito ng pro ng Divine Glaive at Glowing Wand bilang panapos sa laro.

Full item build ni Demonkite sa jungle Julian

  • Swift Boots (Ice Retribution)
  • Concentrated Energy
  • Genius Wand
  • Holy Crystal
  • Divine Glaive
  • Glowing Wand

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: RSG PH lumabas na undefeated, Falcon nanggulat sa MSC 2022 Group Stage Day 1