Kuminang sa entablado ng MPL Indonesia Season 9 si EVOS Legends ace jungler Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin sa kanyang paggamit ng Fanny nang dalawang beses kontra Rebellion Zion sa Week 6 ng liga.
Hindi lumabas ang Fanny ni EVOS Ferxiic at sobrang bihira na makakuha siya ng assassin sa first half ng regular season dahil na rin siya ang madalas na tina-target ban ng mga kalaban.
Pero sa seryeng ito laban sa Rebellion Zion, nagkaroon ng tsansang makawala ang Fanny ni EVOS Ferxiic. Marami ang nagulat dahil ang kalalapag lamang na MLBB patch 1.6.66 ay pumapabor sa jungler-tanks o jungler-fighter.
Gayunpaman, sobrang lakas pa rin talaga ng Fanny ni EVOS Ferxiic sa mga partikular na sitwasyon at kapag nasimulan na niyang magpasiklab, hindi na siya kayang pigilan.
Fanny ni EVOS Ferxiic nagpakitang-gilas, napahanga ang mga maalamat na players na sina Oura at Donkey

Talagang nakakamangha ang Fanny ni EVOS Ferxiic sa serye kontra Rebellion Zion. Bagamat natalo sila sa Game 1 dahil sa kahinaan ng team fight ng EVOS Legends at sa patuloy na panggugulo ng Masha, maganda pa rin ang pinakita ng batang player sa paggamit ng Blade Dancer.
Pero pagdating ng Game 2, hindi nakapalag ang Rebellion Zion sa Fanny ni EVOS Ferxiic. Sinayaw-sayawan niya ang mga kalaban at pinagpupuksa ang mga ito para buhatin ang EVOS Legends patungo sa panalo.
Pinuri ng mga maalamat na manlalaro ng EVOS Legends na sina Eko “Oura” Julianto at Yurino “Donkey” Putra Angkawidjaja ang malupit na performance ng Fanny ni EVOS Ferxiic.
“Fanny dia sudah semakin tajam. Fanny Ferxiic benar-benar gila. Dia berkembang banget sekarang, bisa dibilang top 3 jungler lah sekarang (Napakalakas talaga ni Ferxiic sa paggamit ng Fanny. At lumalakas na rin siya mismo kaya pwede niyong masabi na pasok siya sa top 3 junglers ngayon),” sabi ni Oura.
“Ngeri banget Fanny-nya Ferxiic ini. Buset bisa kontrol seperti itu kabelnya. Beda dengan game 1 tadi, sepertinya cuma pemanasan itu (Nakakatakot talaga ang Fanny ni Ferxiic lalo na ‘pag na-control niya ang mga cable. Sa Game 1 parang nagwa-warm up pa lang siya),” saad naman ni Donkey.
Base ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.