Si Faramis ay isang hero na sobrang dalang ma-pick sa ranked games man o sa competitive scene, kaya’t laking gulat na lang ng lahat nang maglabas ng lahat sa Faramis pick ng Bigetron Alpha sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 9.
Hindi kasi akma ang lakas nito sa kasalukuyang meta. Gayunpaman, hindi maipagkakaila ang pagiging kakaiba ng skillset nito.
Alam ng Moonton na kakaonti ang pagkakataon kung kailan magandang pick si Faramis kaya’t plano nilang i-revamp ito sa mga susunod na patch. Sa kabila nito, may isang malaking bentahe pa rin ang hero.

Solid counter si Faramis kay Gloo, isang hero na sikat sa competitive scene. Pero kahit pa namamayagpag ang EXP lane hero sa MPL ID Season 9, tanging Bigetron Alpha lang ang naghangas na gamitin ito nang dalawang sunod na beses.
Faramis pick ng Bigetron Alpha, nag-backfire laban sa RRQ Hoshi
Sinubukang kontrahin ng Faramis ni Deven “Renbo” Markos ang Gloo ni Rivaldi “R7” Fatah pero hindi ito naging kasing epektibo katulad ng inaasahan.
Bihirang gamiting ni Renbo ang Ghost Bursters para lusawin sana ang Gloo, pero basang-basa ni R7 ang timing nito.

Dapat din ay mas tumatagal sa bakbakan ang isang koponan na may Faramis, pero hindi ito nangyari para sa Bigetron Alpha. Alam na alam kasi ng RRQ Hoshi kung pano laruin ang Faramis pick ng Bigetron Alpha, at hindi rin nakatulong ang kakulangan sa magic damage na idinulot ng nasabing cheese pick.
May potensyal sanang gumana ang Faramis pick kung sa EXP Lane inilagay ng Bigetron Alpha imbis na sa mid lane. Masosolusyunan sana nito ang kakulangan nila sa magic damage kung bibigyan nila si Renbo ng mas sikat na mage hero.
Pagkatapos ng serye, inamin ni Clay na malaking factor ang mechanical skill sa kanilang tagumpay kontra Faramis pick ng Bigetron Alpha.
“Alam namin na Gloo counter si Faramis pero baka mas magaling lang talaga gumamit ng Gloo si R7,” saad niya sa media interview.
Dagdag niya na mas pinili nilang i-kite na lang ang kalaban dahil alam nilang lugi sila kung lalabanan nila ito nang harapan.
Pagbabalik ni Alberttt, susi rin sa tagumpay ng RRQ Hoshi

Matapos palitan ni Jason “Aether” Zefanya noong laban nila kontra ONIC Esports, nagbalik si Albert “Alberttt” Iskandar para sa RRQ Hoshi kontra Bigetron Alpha.
Agad bumalik ang kilalang agresibong playstyle ng koponan, patunay sa taas ng mechanical skill meron si Alberttt.
Nagpakitang-gilas ang tanyag na jungler gamit ang Hayabusa at Roger sa best-of-three serye.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Overpowered ang Miya item build na ‘to ni RRQ Lemon