Malaking katanungan kung magkakasama ba sa isang lineup sina Ferxiic at Tazz DD sa EVOS Legends lalo pa’t pareho sila ng role na ginagampanan para sa kanilang team.
Kung tutuusin, maswerte ang EVOS na mayroong dalawa sa pinakatalentadong young players sa Mobile Legends eksena sa Indonesia. Magkasunod na 17 at 16 taong gulang sina Ferxiic at Tazz DD, na parehong ulo ng kanilang mga teams sa MPL at MDL.
Itinaas ni Ferxiic ang MPL ID tropeo noong unang maglaro para sa koponan noong MPL ID S7, habang si Tazz DD naman ay agad nakuha ang kampeonato sa MDL noong nagdebut sa EVOS ICON sa MDL ID Season 5.

Pero kung babalikan, may karanasan na din si Tazz DD sa EVOS Legends roster. Mababalikan na noong MPLI 2021 ng ONE Esports, naglaro ang jungler para sa White Tigers ngunit bigo kontra RRQ Hoshi.
Simula noon ay itinuon ni Tazz ang kaniyang pansin sa pagkakamada para sa EVOS Icon sa MDL, paraan din para mas mapahusay ang kaniyang skills sa core position. At hindi naman binigo ng Icon superstar ang pag-asa ng coaching staff.
Makikitang naging mas mature ang batang pro sa kaniyang stay sa MDL roster ng EVOS dala na rin ng malawak niyang hero pool at above average farming skills. Kaya naman hindi kataka-takang siya ang hinirang na regular season MVP ng liga.

Samantala, kasing-husay ang ipinakita ni Ferxiic ngayong MPL ID S9. Bagamat naging delubyo ang performance niya noong Season 8, pansin ng mga miron ang husay ng batang jungler na palagay ng marami ay siyang kumamada para sa EVOS roster sa regular season.
Duet nina Ferxiic at Tazz DD sa EVOS Legends roster, posible ba?
Kung susuriing maigi ang dekalibreng laro na dala ng bawat player, malaki ang oportunidad na mapagana ng EVOS Legends ang kombinasyon na ito sa kanilang roster.
Sa unang tingin pa lamang ay si Tazz DD ang unang papasok sa isipan kung may player na dapat iangat mula sa developmental team patungo sa main lineup. Ang problema nga lamang ay pareho sila ng role ni Ferxiic.
Nakapanayam ng ONE Esports ang VP ng esports team na si Aldean tegar sa isang live stream kung saan nilinaw niya ang posisyon ng coaching staff tungkol dito.

“For now, I don’t know. It all depends on the EVOS Legends trial ahead of MPL ID S10. But seeing Tazz’s performance like that (at MDL), it should be possible,” sabi ng ehekutibo. “But don’t know if Tazz will be duet with Ferxiic, or swap. Unless someone changes roles, yes,” dagdag pa niya.
Tungkol naman sa posibilidad ng pag-change roles nina Ferxiic at Tazz DD, hindi imposibleng magawa ito ng mga talentadong pro. Kilala si Tazz DD bilang isa sa mga pinaka well-rounded na players, kaya naman marami siyang heroes na nasa global boards.
Si Ferxiic naman ay dating tank roamer bago sumabak bilang jungler para sa White Tigers. Ibig sabihin lamang ay walang imposible kung gugustuhin ng koponan na pagtambalin ang dalawang skilled esports pros.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.
BASAHIN: Bakit masaya pa si EVOS Legends coach Zeys sa pagsasara ng Nimo TV?