Matapos ilabas sa madla ang Darth Vader Argus, Obi-Wan Kenobi Alucard at Master Yoda Cyclops noong nakaraang, magdadagdag ang Moonton ng isa pang Star Wars karakter sa Land of Dawn — ang First Order Jet Trooper Kimmy.

Parte ito ng MLBB x Star Wars collaboration, at pang-anim na skin para kay Kimmy sa laro kasunod ng Steam Researcher, Bio Frontier, Astrocat, Charge Leader, at Frost Wing.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Sa pinakahuling skin ng mage/marksman, suot niya ang iconic stormtropper armor na siguradong magpapasabik sa parehong Mobile Legends at Star Wars fans.


Parte ang First Order Jet Trooper Kimmy sa second phase ng Star Wars x MLBB collab

Sa Star Wars, ang Jet trooper ay isang stormtrooper variant na naglilingkod sa First Order. ‘Di gaya ng ordinaryong troopers na sinamay sa ground combat, ang Jet Troopers ay eksperto sa aerial combat gamit ang kanilang jet packs para ikutan ang kanilang mga kalaban.

Perpetkong representasyon ang First Order Jet Trooper Kimmy sa kung anong hitsura at ginagawa ng mga ito sa space-opera franchise. Bukod sa paggamit ng jet pack para gumalaw sa mapa, hawak din ni Kimmy ang isang futuristic blaster na nagpapakawala ng pular laser beams.

Ang second skill ni Kimmy na Chemical Refinement ay nag-iiwan ng pulang trail sa harap niya, katuwang ng tatlong Granada na nagbibigay ng slow effect sa kalabang didikit dito.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Kasing-swabe sa paningin ang kaniyang ultimate na Maximum Charge. Papalibutan ng futuristic holograms ang blaster ng mage habag ito ay nag-chacharge. Pagkatapos, lalabas ang isang malaking space missile na lilipad papunta sa kaniyang target at sasabog pagkatapos nito lumapat sa area.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Panoorin ang full skin preview ng First Order Jet Trooper Kimmy dito:



I-check out ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa mas marami pang skin features sa MLBB.

BASAHIN: Swabe ang hitsura ng Elysium Guardian Luo Yi, ang pinakabagong collector skin sa MLBB