Sumunod sa Heavenly Artifact skin line ng Mobile Legends: Bang Bang ang Elysium Guardian Luo Yi na pinakabagong collector skin. Makakatuwang nito ang Empyran Paladin Zilong sa mundo ng Chinese wuxia.
Ito ang ika-limang skin ng mage hero, kasunod ng Yin-yang Mage, Tenko, Dawning Fortune at Siren Priestess.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na Chinese geomancer ang tatak ni Luo Yi. Bagamat ang Dawning Fortune at Yin-yang Mage ang nagtampok ng kaniyang oriental motifs, bukod-tangi ang Elysium Guardian collector skin. Ito ay dahil swak ito sa “xianxia” story, isang sikat na Chinese martial arts genre.
Hitsura ng Elysium Guardian Luo Yi collector skin at skill effects

Magkawangis ang color palette ng skin sa Empyrean Paladin Zilong na may gold, jade green at off-white colors. Mas soft lamang ang colorway ng Elysium Guardian Luo Yi, kaya naman mas nakabibighani at mas magaan ito tingnan. Sa nasabing skin, nanatili ang kaniyang kulay lila na buhok na bagay sa kaniyang berdeng ombres.
Lahat ng skills niya ay may koi motifs na tema ng collector skin na ito. Sa Chinese culture, ang koi ay nagsisimbolo ng yin at yan, kasaganaan, mahabang buhay at suwerte.
Kapag ginamit ng Elysium Guardian Luo Yi ang Dispersion, magbabato siya ng alinman sa glowing golden orb o celestial blue orb sa isang motion. Kapag ginamit naman ang AOE spell na Rotation, lalabas ang dalawang koi sa ground sa loob ng casting area na kawangis ng yin at yang symbol.

Ngunit pinaka-patok sa lahat ang skill effects ng kaniyang ultimate na Diversion. Habang nag-chachannel, lalabas ang dalawang nagnininging na orange kois sa ilalim ng hero. Pagkatapos ng channeling, lalabas naman ang bughaw na circle kung saan lilipat ang mga heroes na kasama sa cast area. Sa nasabing circle, may dalawang bughaw na kois naman ang umiikot kay Luo Yi.

Kapag nakuha ng Elysium Guardian Luo Yi at Empyrean Paladin Zilong skins, makakapag-unlock ang players ng isang misteryosong perk.
I-checkout ang ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Paano gamitin ang Vexana: Best build, skills emblems at skill combos