Sa tanong kung Blacklist International na ba ang “Indo-Killers” sa larangan ng Mobile Legends, hindi tinanggap at hindi rin itinanggi ni Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza ang bagong palayaw ng koponan.

Credit: Moonton

Karugtong ito ng matamis nilang paghihiganti kontra ONIC Esports na pinadapa nila sa 2-1 score, at ng katatapos lang na demolisyon nila sa RRQ Hoshi, 3-0 sa M3 World Championship lower bracket.

Sa post-game press conference, inihalintulad ni Coach BON CHAN ang ibinigay sa kanilang titulo sa kung paano nabigyan ng palayaw na “The Mexican-Killer” ang sikat na boksingerong si Manny Pacquiao.


May anghang ang palayaw na ‘Indo-Killers’ ayon kay BON CHAN

Pagpapalawig ng coach, “Maybe it’s that same feels to us that [now] we have the title of Indonesian killers. But so far it’s true. So far it’s true, and I’m sorry for this statement. We brought them home.”

Credit: Moonton

Bagamat may kargada daw ang palayaw na “Indo-Killers” ay hindi naging madali ang kanilang kampanya kontra sa Indonesian teams, partikular na sa RRQ na kinailangan nilang paghandaang maigi.

Inamin ng beteranong coach na malaking bagay sa magiging resulta ng serye kung magpapa-apekto sila sa enerhiya ng RRQ in-game kung kaya’t kinailangan nilang mapanitili ang kumpiyansa nila sa kanilang draft at sa execution.

Credit: Moonton

Dagdag niya, “We needed to maintain our composure and stay focused whatever they do and just play our game.”

Tungkol naman sa naging susi sa kanilang tagumpay kontra sa bigating ID team, nakatulong daw ang pagsisiyasat nila sa mga nakaraang laro ng kalaban para makakuha ng data.

“We just relied on what we saw in their previous games in M3. We just relied on that data. I think yes, we saw their weaknesses,” banggit ng MPL championship coach.


Sundan ang pagpapatuloy ng ‘Indo-Killers’ Blacklist International sa M3 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga posts ng ONE Esports PH sa Facebook!

BASAHIN: Blacklist winalis ang RRQ, pinauwi ang huling pambato ng Indonesia sa M3