Kumpidente ang RRQ Hoshi veteran na si RRQ Lemon ng sinabi niya na lugi ang ibang heroes sa gold lane kung ihaharap sa Irithel, isa sa mga heroes na nakatanggap ng pinaka-malaking buff sa pagpasok ng MLBB patch 1.6.84

Mababalikan sa gumulong na May 2022 patch ang adjustments na ginawa sa marksman kung saan pinalakas ang kaniyang damage output kung kaya’t umiiral muli ang paggamit nito sa gold lane.


RRQ Lemon: Mas nakakatakot ngayon ang Irithel kontra sa Wanwan

Credit: Moonton

Sa lumipas na taon, malimit makita na gamitin ang Irithel ng mga players sa pro scene. Gayunpaman, dahil sa inilabas na adjusments sa marksman sa patch ay inaasahan ng Moonton na maisasalang na muli ang hero sa parehong ranked games at competitive play.

Mababalikan na pinaburan ng mga pro teams ang paggamit ng Beatrix at Wanwan sa gold lane sa mga nakalipas na MPL seasons. Bukod sa dalawang heroes na ito, Brody at Popol and Kupa na lamang ang sumunod na popular na picks na pasok sa gameplay.

Credit: RRQ Lemon

Ngayong binigyan na ng buff ang Irithel,  ang RRQ veteran na si Lemon mismo humusga sa lakas ng hero. Aniya sa isang content, maaari daw maging malakas na counter pick ang Irithel sa Wanwan. Partikular na ipinunto ni RRQ Lemon ang kapasidad ng buffed hero na ma-outdamage ang kalabang hero.

“The Irithel that I used before the revamp was really good in my opinion to fight Wanwan. It’s even more true now that it was changed, the burst damage is imba,” ani ng RRQ pro.

Bagamat hindi sinabin deretso, inaasahan na magiging viable pick ang hero sa meta lalo pa’t kilala si Lemon bilang isa sa mga pros na may pinakamalawak na hero pool.

Maisasalang kaya ni RRQ Lemon ang Irithel sa paparating na MSC 2022?

Sundan ang pinakahuli sa MSC sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: