Talamak sa ranked games ngayon ang pag-ban sa bagong hero sa Mobile Legends na si Julian, at may rason kung bakit ganito ka-ayaw ng mga players makalaban ang fighter/mage. Sobrang laki kasi ng damage output na kayang ilabas ng hero, mapa-EXP lane man o jungler.
Sa jungler role, kaya ni Julian na kumuha ng buffs ng mabilis lalo na pagdako ng level 3 kung saan nabigyan na ng skill points ang lahat ng kaniyang abilities at mas mabilis ng mag-pop ang enhanced skills dahil sa kaniyang passive.

Malaki din ang kayang gawin ng hero sa teamfights dahil sa kaniyang kit. Ang second ability niya na Sword ay may kargang damage at mobility kaya naman madaling maka-in at out sa mga laban. Ang third skill naman niyang Chain ay krusyal dahil may crowd control effects ito.
Tipikal din ang pagbuo sa kaniya ng Magic Damage items para mas mapaigting pa ang sakit na dala ng kaniyang abilities. Kung maagang makakaipon, kayang pumunit ng Julian ng kalabang marksman at mage.
Makati ang damage ng Julian jungler ni Oura
Ibinida ng MLBB Indonesian veteran na si Oura ang bagong Mobile Legends hero sa kaniyang Youtube channel kamakailan. Sa naturang video, ginamit ng dating EVOS Legends star ang Julian sa jungler position kung saan ipinamalas ng veteran ang tunay na lakas ng hero.

Early game pa lamang ay malaki na ang ambag ng Julian ni Oura para sa kaniyang team. Sa unang anim na minute ng laro, nakakuha na ng 4 kills kasabay ng 2 asssists ang kaniyang jungler hero.
Nagawa niya ito sa magilas na combination ng skills ng fighter/mage kung saan tinarget niya ang mga squishy heroes ng kalaban. Dahil sa early game dominasyon, mabilis na nag-snowball ang hero kasama na din ang kaniyang mga kakampi papunta sa mabilis na panalo.
Heto ang Julian jungle item build ni Oura:
- Tough Boots
- Genius Wand
- Calamity Reaper
- Holy Crystal
- Shadow Twinblades
- Divine Glaive.
Dahil nga sa snowball, hindi na bumuo si Oura ng defensive item para sa kaniyang Julian jungle pero kung madikit ang laban ay malamang bubuuan niya ito ng items tulad ng Immortality o di kaya naman ay Winter Truncheon para sa ikahuling item.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at guides sa MLBB.