May kaakibat na hamon ang paglalaro ng jungle role sa Mobile Legends: Bang Bang. Kilala rin sa tawag na core o playmakers, responsable ang jungler sa pagkuha ng creeps, pagkontrol sa mapa, pag-protekta sa sidelanes pagtulong sa pag-gank ng mga kalaban.
Para mapigilan ang scaling ng junglers, madalas na ginagawa ng team ang jungle invade. Dito sinusubukan ng supports ng koponan (minsan ay kasama din ang core) na i-delay o nakawan ang buffs ng kalaban ng sa gayon ay ma-delay din ang levels at gold ng kalabang jungler, at epektibong makapagbibigay ng kalamangan sa core naman ng team.
Sa gumulong na MLBB patch 1.6.94, mas malaki ang hamon para mag- jungle invade katuwang ng mga pagbabagong inilatag ng Moonton partikular na sa jungle creeps at Retribution battle spell.
Creep at jungle adjustments sa MLBB Patch 1.6.94

Adjustments sa jungle
- First 5 minutes: Hindi na makakakuha ng Gold at EXP mula sa minions ang heroes na may Retribution battle spell kapag may allied heroes na malapit sa area at walang Roaming boots
- Tataas ang Reduced Minion Rewards mula 30% papuntang 50%
- New Mechanism: Kapag behind ng 2 o lamang sa 2 levels ang jungler sa kalaban sa unang limang minute mas mataas ang EXP na makukuha nila
- Ang damage ng Retribution kontra sa creeps ay hindi na apektado ng damage boosting effects
Adjustments sa creeps
- New Effect: Kapag hindi sakop ng leash range sa unang beses, may 50% extra Movement speed ang creep habang hindi pa ito nakakabalik sa range
- New Effect: Pagkabalik sa range, hindi na mag-rerecover ng HP ang creep at papasok mula sa battle state kapag nakatanggap ng damage (Sa unang beses lamang)
- 20s na ang First Spawn time kontra sa 25s dati
- Pinataas din ang first spawn time ng Lithowanderer mula 43s papuntang 48s
Hindi na magandang ideya ang jungle invade ngayon

Pinakaimportante ang unang limang minuto ng laro para sa jungler dahil ito ang magdidikta kung matutulungan niya bang mag-snowball ang team o di kaya naman ay ma-delay at maghabol.
Heto din ang rason kung bakit top 2 picks sa ranked games ang Tigreal at Franco dahil may abilidad silang pagulungin ang jungle invade para ma-reset ang creeps at ma-delay ang kalabang core mula sa kaniyang jungle buffs.
Ngayong live na ang patch 1.6.94, hindi na kasing-epektibo ang jungle invade. Mas mabilis na kasing bumalik sa posisyon ang displaced creeps at hindi marerecover ng creep ang kabuuan ng HP nito pagkatapos ng first instance. Ibig sabihin, ang jungle invade sa Thunder Fenrir (purple buff) o ng Molten Fiend (orange buff) ay hindi na kasing epektibo.
Mas mahirap na din ang buhay ng junglers matapos ang update. Sa unang limang minuto ng match, hindi na makakakuha ng gold o EXP ang heroes na may Retribution Battle Spell mula sa minions kapag may malapit na ally. Sa mga pagkakataon namng walang ally na malapit, binawasan na ding ang rewards mula 50% papuntang 30%.
Babaguhin nito ang galaw ng junglers sa mapa partikular na sa early game. Sa halip, magiging pokus ng cores ang pag-clear ng jungle kaysa gatasan ang sidelanes at makakuha ng EXP at gold mula sa siege minions.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa updates tungkol sa MLBB!
BASAHIN: Paano gamitin ang Vexana: Best build, skills emblems at skill combos