Ang mga jungler-assassin ang top choice ng mga manlalaro sa professional scene man o sa pub matches ng Mobile Legends: Bang Bang. Pero dahil sa pagkakalatag ng MLBB patch 1.6.66, may nagaganap ngayon na pagbabago sa meta.

Maraming binago ang Moonton sa laro gamit ang panibagong update pagdating sa mga hero abilities. At sa katunayan, lantaran pang ipinakita ng game developer na pinapaboran nila ang jungler-tanks sa kasalukuyang patch.

Tila natutupad na ang ninanais na ito ng Moonton pinakamataas na antas Mobile Legends esports tulad na lang sa MPL Indonesia Season 9. Mula noong inilabas ang 1.6.66 patch, marami nang koponan ang gumagamit ng mga jungler-tank.

Credit: Facebook/Mobile Legends

Gayunpaman, hindi pa naman 100% na meta ang paggamit ng mga jungler-tank sa MPL ID. May mga koponan pa rin na pabor sa mga jungler-assassin.

Para makakuha ng impormasyon tungkol sa viability ng mga jungler-assassin sa kasalukuyang patch, kinapanayam ng ONE Esports ang jungler ng Bigetron Alpha na si Maxwell “Maxx” Alessandro.


Ang opinyon ni BTR Maxx tungkol sa paggamit ng jungler-assassin sa MLBB 1.6.66

Credit: MPL Indonesia

Aminado si Maxx na nag-a-adjust pa siya sa nabubuong jungler-tank meta dahil nakapokus siya paglalaro ng assassin heroes. Gayunpaman, sinabi 18-year-old player na sulit pa rin naman at maaasahan ang mga jungler-assassin sa kasalukuyang meta.

“Menurut saya sendiri (jungler-assassin) masih layak banget (untuk diandalkan). Namun, semuanya akan sangat bergantung kepada tim mau memainkan META yang mana. Tergantung gameplay yang akan diterapkan,” ani niya matapos ang 2-0 panalo ng Bigetron Alpha kontra Geek Fam ID sa huling araw ng Week 6.

(Sa aking opinyon, maganda pa rin naman gumamit ng mga jungler-assassin. Pero nakadepende ang lahat sa inyong koponan, kung anong gameplay ang gusto niyong gawin.)


Ang mga assassin-jungler na popular pa rin sa MPL ID Season 9

Credit: Moonton

Sa MPL ID Season 9 Week 6 kung kailan ipinapatupad na ang MLBB patch 1.6.66, marami pa rin namang koponan ang gumagamit ng mga jungler-assassin.

Isa sa mga assassin hero na namayagpag ay si Karina na binubuuan ng tank items katulad ng dati. Lumabas din sila Ling, Fanny at Hayabusa at naging matagumpay sa mga laban.

Sa mga koponan naman na pumabor sa paggamit ng mga jungler-tank, ang pinakasikat na pick ay si Baxia.

Kaabang-abang kung magiging development ng meta sa mga natitirang linggo ng MPL Indonesia Season 9 dahil kung ano mang lumabas dito ay maaaring makaapekto sa kung sinu-sinong mga hero ang pipillin ng public players sa kanilang ranked games.


Base ito sa artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.